Help sa biyenan

Hi mga mommies! FTM here. Hingi lang po sana ako advise kung ano magandang gawin. 1month palang po baby ko and dito po kami nag sstay ng partner ko sa bahay nila kasama yung nanay nya tsaka kapatid nya. May work po yung partner ko tapos ako college student po ako 21yrs old.Nakikisama naman po ako at nagkikilos kilos. Nung buntis pa po medyo di ako makagalaw dito at hindi komportable pero ngayong nanganak na po ako medyo umokay na. Ngayon po nagalit yung biyenan ko sinabihan yung partner ko na “umalis kayo dito matagal ko na sinasabi sayo” pero na sa tabi din nila ako. Ilang beses na po kami nasabihan ng ganun lalo na po nung buntis ako tapos ngayon po ulit na nakapanganak ako. Nagpasundo na po ako sa magulang ko kaso nakiusap yung partner ko na wag ko daw pansinin sa kanya daw po galit yung biyenan ko. Nakakaloka lang po kasi na akala ko okay na kami mag stay dito tapos biglang mag sasalita ng ganun. Sinabi ko sa partner ko na pag naulit pa po yun, aalis kami ng baby ko. Or kung gusto nya bumukod na lang kami kasi ayaw nya din mag stay sa side ko dahil nahihiya sya. Pahingi po advice mga mommies. Thank you! #1stimemom #momcommunity #biyenan

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mas prefer ko po na bumukod na lang po kayo . kasi po mahirap po yung ganyan na lahat naman po ng pakikisama ginawa niyo na po pero still parang ayaw pa rin po sa inyo. atleast po kapag nakabukod na po kayo , magagawa niyo na po lahat ng gusto niyo. maluwag po sa pakiramdam ang nakabukod🙂🙂

Related Articles