Pusod ni baby need some advice please
Mga mommies dont know what to do 15 days na si baby until now di pa natatanggal pusod niya kasi kagabi nilagyan ng mother in law ko ng bulak yung pusod ni baby tapos nadikit na don yung bulak sa pusod nya ayaw matanggal ang masama pa don natatanggal yung nasa taas ng pusod which is nakikita ko po may laman di ko po sure kung matatanggal na po yung pusod ni baby o dahil sa bulak kaya po parang natatanggal need some advice kung ano po dapat gawin
air dry po momsh wag nyo bigkisan hangat hindi pa tuyo ang pusod , ang baby ko hindi ko na binigkisan sabi kasi ng ibang pedia mas mahirap patuyuin pag may bigkis, pinupunasan ko ng bulak na may alcohol ang pusod nya at pinahahangin hanginan ko lalo pag tulog sya medyo inaangat ko ang damit at panatilihin mong malinis ang paligid ng pusod wag takpan ng kung anu ano , yung diaper din po nya sa bandang puson nya itupi nyo po para hindi masasagi ang pusod 😊
Magbasa paIngatan nyo po ang pusod ni baby yan ang pinaka maselan gang d pa natutuyo. Pero sa nakikita ko namn po patuyo na pusod ni baby wag nalng siguro muna lagyan ng bulakd dampian nlng ng alcohol gamit ang cotton buds. Kalma lang mami ganyan po talaga ang kulay ng pusod pag malapit na matuyo wag nyo po tatanggalin ang kht ano sa pusod nya hayaan nyo lang na kusa matanggal ☺️
Magbasa paganyan po nangyari sa pusod ni LO ko dinala ko po sa pedia kasi may amoy na po. pinutol nalang po ni pedia yong pusod nag tira lang sya ng kunti then may pinabili sa akin na cream antibiotic po yon tapos may pinapainom din pong antibiotic kasi delikado daw po kapag pusod ang nag sugat baka mag ka infection
Magbasa pabetadine mommy.. bulak na may betadine.. wag alcohol.. masakit kay baby.. tsaka baka mag dry ung akin ni baby.. or pede din sa tissue mommy tapos talian mo po ng bigkis.. make sure po na araw araw din linisin mommy.. promise sa betadine matutuyo po agad ung pusod ni baby.. tapos kakapit na sya sa bigkis..
Magbasa padapat po alcohol lng mamsh na 70% at Wala po kau ibang ilalagay don...wag pong takpan... baby ko po ay 8 days old p lng pero heal n po pusod nya mga 5days po natanggal.. nkadiaper lng po sya during those days n d pa po ok pusod nya pra dry po...kc kung lampin ay my possibility n mabasa...😊
May mga ganyang cases po talaga mommy na matagal matanggal ang pusod ni baby. As per pedia, umaabot pa ng 1month. Patakan niyo lang po ng alcohol na 70% solution tapos huwag din po tatakpan or lagyan ng bigkis kapag pinalitan siya. Iwasan niyo po munang basain pag niliguan!
try niyo po casino alcohol pra mas mabilis mgdry..dati po sa unang baby ko ang gamit ko ung green cross ang tagal bago ntanggal xbe nga byenan ko try ko ung casino ayun kaso late n 1month nd 5days bago ntanggal..kaya ngayon sa 2nd baby ko casino alcohol ginamit ko 1week lng ntanggal n..
As pedia's advice po mommy 3x a day or more linisan ang pusod ni baby ng 70% alcohol and wag pong tatakpan ng kahit na ano pra po matuyo sya ng husto. gaya po ng sabi nyo 15 daya old na po sya kung wala naman pong amoy wag po kayong mabahala wag lng po magkaroon ng amoy.
pa check mo nlng para sure ka. sakin sa baby ko wala pang 2weeks after birth natanggal na .lagi lang lagyan alcohol tapos nilalagyan ko din sya ng bigkis.sa iba hndi na ng bibigkis ng baby pero sakin hanghang ngayon na 2months na c baby bininigkisan ko padin sya. 😊
mas maganda ipacheck up m.. dna daw advice ang alcohol s pusod kaya naiyak ang bata sa tuwing nlalagyan kasi masakit. tau nga pag nilagyan ng alcohol ang sukat nasasaktan kahit maliit n sugat yan... betadine ilagay m at lage mng linisin ng maligamgam n tubig
Mummy of 1 superhero little heart throb