family

Mga mommies bubukod na kami ni hubby pero nagkagulo dito sa kanila ayaw kasi kami paalisin ng parents nya dahil sa ayaw nila pakawalan si hubby kasal po kami at isa pa daw po wala ng maiiwan dito sa bahay nila dahil lahat sila may work ako lang po wala kaya ako naiiwan dito. Ngayon po kaya gusto namin bumukod hindi po kasi maganda samahan namin ng mother in law ko..gusto nya kami paghiwalayin ni hubby nuon pa man at pinagkakalat nya nagpabuntis lang daw ako at hindi nya ko matatanggap..eto pong si hubby nagdadalawang isip tuloy umalis 2x na po kasi sila nanakawan dahil sa walang tao dito sa kanila..

34 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ayyy grabe. Ano tingin nila sa'yo momshie caretaker ng bahay? Asawa ka pong legal. Bumukod na po kayo as soon as possible. Pag hindi pa ngayon baka matagalan na yan at ikaw ang magdudusa nyan. Nakakaloka yan mother in law mo ha. Nakakastress kamo siya. Alis na kayo jan. Goodluck! Lakasan mo loob mo. Mas may karapatan ka kasi asawa ka.

Magbasa pa
Related Articles