34 Replies
Awww halos same situation tau dear. D rin ako tanggap ng byenan kong hilaw. At ng pinagbuntis ko na tong 2nd namin, pinaghihiwalay din kami ng ama kesyo daw tinatrap ko lang anak nya. Kaya nga d kami makasal kasal dahil sa kanila. Nakabukod man kami pero 4houses away lang at within same compound kaya medyo monitored pa rin ing galaw. Plus si hubby mama's boy pa. Mahirap talaga sa totoo. Pero kasal na kau. At dapat respetuhin un ng parents nya lalo na at d na maganda ang samahan. Ang susi lang talaga dyan is ung asawa mo. Na sana nga ibukod ka na. At kung concern sila na dapat may tao pa rin sa bahay nila pag lumipat na kau, kumuha na sila ng kasambahay. D porket wala ka work eh ikaw lang dapat magbantay sa bahay nila kahit d na pala ok ang lagay nyo.
Base sa bible iiwan ng lalaki ang magulang at magsasama silang dalawa, ganun din ang asawang babae iiwan ang magulang at magsasama silang dalawa..kaya ang dalawa ay di na dalawa kundi isa na kayo ng asawa mo mula ng ikasal na kau ang pinagtuwang ng Dyos ay huwag pag hiwalayin ng sinuman.i think pede pa din sana kau magstay kung wala silang kasama dyan lalo na kung may mga edad na sila..kaso kung pangit naman ang treat at gusto kau paghiwalayin better bukod na kau..pray ka para sa pamily mo para makonvince si mr. Na unahin pamilya nya.
Kumbinsihin mo asawa mo sis,,bumukod na kau pra may peace of mind ka na rn .tska pra safe kau ng bby mo kpag kaung dalawa lng ang naiiwan sa bahay kc twice na kamo kaung nanakawan eh..bka bumabalik balik jan ung magnanakaw.hnd kau safe jan sabhn mo yan sa mister mo.hanap na lang cla ng kamag anak na pwedeng magbantay jan.or maglagay cla jan ng aso pra may bantay.bmukod na kau sis.sna makumbinse mo asawa mo.
Kung gusto mo ng katahimikan, bumukod kayo. Mas masarap sa pakiramdam yung magagawa mo lahat ng gusto mo ng walang mga matang nakamasid sayo. Yung pangingialam ng in-laws kasi, yan ang kalimitang nagiging dahilan ng pag-aaway, and eventually paghihiwalay ng mag-asawa. Talk to your hubby. Voice out your feelings, pero wag na wag ka babanggit ng masasakit na salita with regards to your MIL.
Not good. Kung ikaw maiiwan ikaw naman ang delikado at ang baby. Kung ako sa hubby m kausapn mo and take consideration na may sarili na syang family. Make their house more secured and much better na bumukod kayo kung nahihirapan ka lang din mag stay sa side nila. In time naman maggng okay din treatment syo ng in-laws m. Minsan may kailangan mawala to make them realize your worth.
Ayyy grabe. Ano tingin nila sa'yo momshie caretaker ng bahay? Asawa ka pong legal. Bumukod na po kayo as soon as possible. Pag hindi pa ngayon baka matagalan na yan at ikaw ang magdudusa nyan. Nakakaloka yan mother in law mo ha. Nakakastress kamo siya. Alis na kayo jan. Goodluck! Lakasan mo loob mo. Mas may karapatan ka kasi asawa ka.
ikaw at ang baby nyo na ang priority dapat ng mister mo mommy. kasi once na nagasawa ka na, kailangan talaga umalis na kayo sa poder ng pamilya nyo pareho. That is why a man leaves his father and mother and is united to his wife, and they become one flesh. Genesis 2:24 NIV
bukod n po mamshie mahirap makisama talaga lalo na sa mga in laws pa. madaming nasasabi and all. baka ku ng sakali ikaw ang tumao sa bahay nila tas may nawala ikaw pa sisihin. isipin nyo ang pamilya na binubuo nyo n ng tuluyan. kasal nmn na ho kyo e
Hindi rin maganda kung kayo lang ni baby ang parang nagbabatay sa bahay. And wala na silang magagawa kasi nasa tamang edad na anak nila and may pamilya na siya. Then sabi mo nga di kayo magkasundo ng mother in law mo so mas better na magbukod nalang kayo
mas magandang bumukod na lang kayo momsh, di mo naman responsibilidad ang pagbabantay ng bahay nila pag walang tao tsaka kasal kayo, normally naman pag kasal at kaya naman ay mas maiging bumukod for privacy.
Mrs. Gabriel