39 Replies
Isa-isahin po natin mga worries nyo po. Tila bilbil lang ang tyan: normal po yan kapag early sa pregnancy. Hindi po agad lumalaki ang tyan. Yung iba 6mos na pero mukhang busog lang. Depende po sa katawan ng tao and sa laki ng baby pero pag 1st trimester, hindi pa po talaga magshoshow yan. Hindi nasusuka and walang hinahanap na food: Di po lahat ng buntis may morning sickness. Swerte po kayo if wala. Iba-iba po ang pagbubuntis. Yung sa food, normally sa 2nd trimester po talaga nagtatakaw ang buntis. Sa time na yun naghahanap talaga panlasa natin kasi yun din yung time na mabilis na growth ng baby. 2nd trimester din po magsstart na mag-show na ang baby bump. Masakit ang puson na tila rereglahin: You need to get checked po by a doctor for this. Lalo na if di pa kayo nagpapacheckup simula nag-PT kayo. Dapat once na mag-positive sa PT, pacheckup agad kasi may mga vitamins na irereseta satin para sa proper development ni baby sa loob. Going back to your pain, that needs to be checked. Wag nyo na hintayin na duguin kayo. Also, if you want to confirm pa po your pregnancy, get a request from an OB to have a transvaginal ultrasound. Ayun po. Hope these help.
Dear, kung wala ka pa pong nakikitang paglaki ng tyan/puson mo, normal lang yan. Iba iba ang katawan ng babae. May maliit magbuntis (which is better kc mas malaking chance mag normal). 2mos pa lang yang tummy mo. Buong dugo pa po si baby kaya wala talagang movement. Ngaun, ang hindi normal is ung pagsakit ng puson mo. Nagcocontract un. Which is dapat hindi. Kaya yan po ang need mo ipacheck para maagapan. D pwede baliwalain ung contraction lalo na sabi mo ung feeling is parang rereglahin. Pacheckup ka na po asap.
About sa paglilihi, wag ka rin magworry kung bakit wala kang hinahanap. Mapalad ka na nga kc hindi ka mapili/maselan sa pagkain. Which means mabbgay mo kay baby ung tamang sustansya. Iba iba ung babae. Kahit ako, wala naman ako pinaglihian sa 2 anak ko. Pero ung kapitbahay namin, sobrang hilo at suka. Hirap makakain.. Nawala tuloy baby nya dahil sobrang malnourished.
Swerte ka pa mamsh. Ako nd ganung nag lihi pero nasabihan pa akong pabebe at maarte ng nasa paligid ko. Sa pagkain auko lang ng sunog, sa inumin auko ng nd malamig tapos gusto ko everyday mag yakult at mag buko, pinakamalala sa paglilihi ko pag malayo asawa ko sakin or nd kami magkasama matulog iiyak talaga ako 😂😂 buti tapos na rin ako sa paglilihi.
Iba iba naman ang pagbubuntis. Hindi lahat nakakaranas ng morning sickness at nagiging visible lang ang tyan around 5-6 months. Sobrang liit pa ng baby mo as of now kaya wala ka talagang mararamdaman na changes pa sa tyan mo. :) If positive ang PT, pacheck up ka na sa OB para macheck si baby mo at the same time maresetahan ka ng vitamins.
tapos mga mommies ngayon sobrang sakit ng balakang ko ung tipong ayoko ng gumalaw sa pag kakahiga ko wala nmn akong uti kakapacheck ko lang kanina. pero wala pa akong ob kya d ko alam qng saan nang mumula ung sakit ng puson at balakang. cashier kasi ako nakatayo maghapon.
ganyan po tlaga sis.. 4 months po bago m mrramdaman na parang my matigas sa puson po.. ganyan dn kc sakin 1-3 going going parang bil2 lang. mga 16 weeks dun q nramdaman parang my bukol matigas sa chan q. merun po tlaga ibang buntis na hndi nkkranas ng paglilihi
Normal lang yan mamsh. Hahaha. Ako 26 weeks na kami ni baby. Di ko rin naexperience yung morning sickness na sinasabi nila. Pero yung kirot oo pag pagod na. Tsaka grabe ang pawis ko ngayong pagbubuntis ko. Kahit naka aircon pinagpapawisan ako.
Wala naman po kayong mararamdaman talaga sa tyan nyo since maliit palang po si baby and swerte nyo po if di po kayo nakakaramdam ng pagsusuka 😇 iba iba naman po kasi bawat pagbubuntis meron po talagang di naglilihi 😇
Pacheck up ka na sa OB para maconfirm by ultrasound ang pregnancy mo at maresetahan ka ng mga dapat mong itake na vitamins. Minsan talaga sa first 3-4 months wala kang mararamdaman aside from no menses.
Anghel Lica