Pagsusuka ng wlang laman ang tyan

Hi po mommies, napaparanoid kasi ako. Mag 5 months na po ako pero nagsusuka pa rin ako lalo sa umaga pagkagising. Nagigising po ako na parang masusuka tapos pag nasa CR na ko, dahil wala pang laman ang tyan ko, ang sinusuka ko ay parang Bile na acid, tapos yung tyan ko namimilipit tlga, kaya natatakot ako baka naiipit si baby. May epekto po ba yun kay bb? Yung nagsusuka na parang namimilipit ang tyan kasi wla naman sinusuka tlga? Salamat po.

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Currently ganyan din po ako ... 3am or 4am magigising ako kase mag ccr ako ... Ginagawa ko po kakain ako ng skyflakes isang sachet yun uubusin ko no water muna tas tutulog ako ulet ayun di na ko masusuka pagkagising ko basta wag mo hayaan na walang laman ang tyan mo kase umaakyat yung acid.. iwas din muna sa maasim

Magbasa pa

Ganyan na ganyan di po ako 4 to 5 mos. Acid yan. Sabu ng ob ko pagka gising kain ka agad wag pa gutom kc nakakatriger daw po oh. Inum ka po ng maraming tubig para atleast nay ma i susuka ka. Ako kc dumugo na esophagus ko nun eh pero ngayon ok na. Tubig lang ako at kain ng pa unti-unti

Ako nararanasan ko yan sa gabi naman. Pag nalipasan ako ng gutom, expected na yan, susuka na ako sa gabi ng kulay dilaw na maasim at mapait. Tapos sobrang sakit sa lalamunan at sa dibdib. Kaya wag ka po palipas ng gutom. Atleast candy or crackers.

5y ago

Relate momsh . 😔 antagal.pa mawala ng lasa pagkatapos ng suka . 😭Kaya minsan kutkot ako ng kotkot ng kung ano ano pra di ako makaramdam ng gutom kse pag nalipasan ako nde ako nakakakain kss takot ako sumuka ng dilaw na maasim na mapait ansakit kse sa tyan pag ganun e 😭

Try nyo po magtabi ng crackers and warm water on your bedside table para pagkagising, may kakainin agad. Then wag biglaan ang tayo sa bed para di mahilo or sumakit ulo. Upo muna then eat your crackers.

Ganyan din po ako lalo nung first 3 months ko. Ganyan po tlga ang morning sickness khit walang laman ang tiyan nagsusuka pa din. Advise sken ng OB magpadextrose ako kung hnd ko na talaga kaya ang pagsusuka

5y ago

Nung 1st trimester ko, 5 to 6x a day ako magsuka, nabawasan pa ko ng 2 kilo kahit madami ako kinakain pambawi man lng. Ngayon po mag 5 months, dumalang naman pero di nawala. Madalas after ko uminom ng Obimin, nagsusuka ako saka pag gigising nga po ako ng umaga ng walang laman ang tyan kaya nababaliktad tuloy sikmura ko.

VIP Member

Acid reflux siguro yan. Ganyan ako dati eh, susuka nang sobrang pait. Lumalaki na kasi si baby kaya na pupush niya na yung ibang organs pataas.

Naexperience ko din yan mommy. Sinabi ko sa OB ko yan niresetahan nya ko ng gamot. Iinumin ko 30mins before breakfast.

VIP Member

Na experience ko din yan 1st trimester. Mahirap talaga yan. Pero thankful ako dahil nalagpasan ko din yang heartburn

VIP Member

Me too I experienced it too

5y ago

Pero alam mo when I first saw my baby went out of me. I was like What is pain?