Sermon ni OB

Hi mga mommies. Ask ko lang how can you handle yung OB nyo kung kayo nasa sitwasyon ko. Actually i have Rheumatic heart Deasies and painless normal ako sa Panganay ko. 2yrs. And 4 months na yung first baby ko and now im 9weeks pregnant. Sinesermunan ako ni OB kasi sobrang tigas ng mukha ko para sundan pa yung anak ko. I know its for me din naman yung sinasabi nya pero parang ang OA lang kasi ng dating sakin na halos umiyak na ko sa sobrang sermon nya sakin.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

I understand your OB momsh. Life threatening ang magbuntis pag may sakit sa puso. If nakalampas ka dati maswerte po kayo. If yung OB niyo po ang nagpaanak sa inyo before, magaling siya at nabuhay kayo both ni baby. Mas gamay na niya ang kaso niyo. You can always change your OB pero mahirap makahanap ng experienced na OB. Concerned lang po yung OB ninyo sa inyo. Mas mabuti kung idiscuss niyo with her kung gaano kacritical ngayun ang case mo. Siyempre masakit yung mga sinabi niya kasi yun ang totoo. Ayaw niya isugarcoat kayo. Ask niyo siya if willing pa siya to handle your case and if not parefer kayo sa alam niyang mas makakahandle. Iba-iba kasi ang duktor din. Meron magagaling magsalita pero hindi naman ganun kagaling pag mga critical cases na. Mas gugustuhin ko ang duktor na pranka pero alam ang ginagawa.

Magbasa pa
6y ago

True.. and literal n nasa kamay niya buhay niyong mag ina.. and cguro nahirapan siya and ayaw Niya malagay ulit kau sa gnung sitwasyon kya gnun n lng siya nag react.