How you handle this Situation

Hi mommies FTM here Im 4 months preggy And medyo malaki ako magbuntis dahil medyo chubby ako. Yung partner ko kasi everytime na mapag uusapan namin yung mga pagbabago sa katawan ko Hindi maiwasan na kinukumpara nya ko sa iba na bakit daw si ano maliit nag buntis tapos ako daw parang 9months na. Dahil din siguro sa hormones kaya madali akong mapikon and i get emotional sa mga sinasabi at pangungumpara nya sa katawan ko sa ibang preggy. Kahit ako hirap tanggapin yung mga pagbabago sa katawan ko at lalo akong na da down dahil sa partner ko. Can i ask pano nyo na handle yung gantong situation? please respect๐Ÿ’—

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello mommy. I really understand your situation. Ang hirap na nga nung ikaw naninibago pa sa changes tapos gagatungan pa ng negative ng hubby. In my case my hubby was super supportive. Ako yung naiiyak dahil sa stretchmarks, but my hubby kept on telling me to love the marks kasi they will be part of me na and isang proof yun na I carried our baby. Sabi niya ganun naman talaga and let it be. What I learned from him is to love myself more. Iprioritize mo ang sarili mo dahil kung happy ka sa sarili mo ay magrereflect yan sa iba, at mafifeel yan ng baby mo. Hindi talaga madali makita sarili ko na nagbabago nung buntis ako. Iniiyakan yung stretchmarks ko kasi ang iitim. Malaki din ang tummy ko noon, pero lagi lang sinasabi ng asawa ko na both kami malaking bulas so saan kukuha ng genes na maliit si baby. What matters is kung healthy ba kayo. Always put in mind na kailangan happy hormones dahil mafifeel yan ni baby. Also, talk to your hubby. Explain mo na every pregnancy is different. As long as sabi ng OB na ok kayo ni baby ay good ka. Pero post pregnancy dito ako bumawi. I made sure na I will still look good katulad nung dalaga ako. Inaayos ko pa rin sarili ko paunti unti dahil ayoko malimutan mahalin ang sarili ko kahit hands on mom ako. Ang gusto ko kasi, nagrereflect sa iba na I love myself para hindi ako icompare sa iba.

Magbasa pa

Mommy si husband ko sa akin pa nagagalit pag nagkukumpara ako ng katawan ko while pregnant halimbawa sa artista .. si Anne Curtis na Dyosa db nung buntis bongga ang ganda ganda. Sabi ko bakit siya Dyosa bakit ako mukhang Engkanto ganern๐Ÿ˜†๐Ÿ˜†๐Ÿ˜†.. Ang main concern lang din namin ni hubby kung biglang laki ng tyan ko.. e kung Ok ba weight namin pareho ni baby.. o baka sobra dami panubigan.. syempre mas priority namin normal lahat wala maging complications.. baka Pag sumubra laki ko na di ko na nacocontrol yung sugar ko pala kaya ganon.. Kasi GDM ako mommy dapat balanced diet at bantay din ng timbang.. l Saka nalang maging sexy ulit mag diet Pag nanganak na ang mahalaga habang buntis ay maging healthy both si mommy at baby.. sabihin mo Kay hubby mo di mo need na ikumpara ka sa iba.. ang kelangan mo maging supportive siya sa pagbubuntis mo.. saka sabihin mo wag siya ano mapanglait๐Ÿ˜†Pag lumalaki tyan ng buntis sumasabay din ang husband e.. lamo yung daddybod? db may tyan din sila.. Sabi ng mister ko upuan ng baby Yun e baby carrier Pag buhat nila si baby๐Ÿ˜†

Magbasa pa

epal ng LIP mo. Ako kapag inaasar dati ng asaw ako na hnd na yatavdaw ako tataba isa lang sagot ko sknya "Tandaan mo ako nagbuntis,nagluwal at nag aalaga sa anak natin. kung ano man changes sa katawan ko dhil un sa pag aalaga ko sa anak natin." Haha wla sya maisagor sken ako kasi payat na before,during and after givinv birth. Minsan may mga bagay na need tlaga tanggapin like mw khit anong kain ko hnd tumataba. Pero alam mo hnd ako nag self pity instead I accept kung ano ako and be confident. Tandaan, wla sa physical na anyo yan kaya sis cheer up! If gusto mo na mag iba tingin nial sayo dpt ikaw muna sis i encourage mo sarili mo at isipin mo ang good aides nito, oqd ka naman magpapayat after mo manganak eh. Sagutin mo ndin LIP mo na " Sana, Imbes na kinokompara mo ako sa iba eh i build up mo ako icheer mo ako." Ewan ko ba ibang lalaki akala mo ang peperfect.

Magbasa pa

grabe naman. ๐Ÿ˜… Syempre magiging nanay kana may mga changes na talaga sa katawan mo. Tsaka naka depende yan sa katawan ng tao. Eh kung ikukumpara ka nya sa maliit mag buntis at sexy na babae kamo sana si barbie nalang ang inasawa nya. Once na nanganak ka mag babago talaga ang katawan mo, syempre 9 months ka din bumuhay ng isa pang tao sa tiyan mo. kung ayaw nya sa katawan mo at ganyan na ikukumpara ka ikaw nalang ang mag mahal sa sarili mo. kase kung pati sarili mo di mo mamahalin at mawawala ang self confidence mo,wala na sino pa ang susuporta sayo? Kahit pa ayaw nila sa katawan mo kase tumaba ka ay nako keri lang. Love yourself. ๐Ÿ’•ganyan talaga pag naging nanay na di natin maiiwasan na may mababago sa katawan natin. Masakit man marinig, wala tayo magagawa kundi suportahan ang sarili natin. ๐Ÿ˜Œ

Magbasa pa

Hi momshie, need nyo lang po kausapin si hobby mo hindi po kasi lahat ng preggy e pare-parehas, actually ako nga eh 2months palang pero ang laki ng tyan din kasi po chubby talaga ako. madami pumapansin lalo na pag tapos ko kumain ang laki laki ng tyan ko sabi ko dahil busog lang, at lalo na po kung bloated. Saka sabihin nyo po sa asawa nyo mi na wag nya icompare ang lahat ng nagbubuntis at anak niya naman po ang nasa tummy nyo. Minsan talaga my mga asawa or partner na nakakapikon, masakit mag biro or magsalita talaga. Kausapin mo lang siya mi, para mas maintindihan niya tapos pag my time naman po kayo, sabay kayo magbasa po about sa pregnancy para mas maintindihan niya โ˜บ๏ธ

Magbasa pa

hello momshie... 8 weeks akong preggy pero yung tyan ko parang nasa 24 weeks na... and lagi talaga akong na do down kasi biglang hindi nagkasya clothes ko... nangitim din pati kili kili ko... kaya sabi ko minsan sa hubby ko na ang pangit ko na, amg taba ko na, and other negative, pero lagi nya akong chine cheer up! sabi nya natural lang daw na mataba ako kasi kung payat daw ako saan pupwesto si baby? kausapin mo si partner mo, sabihin mo kung anong nararamdaman mo, dalhin mo rin sya sa OB check upo para may experts view na magsasabi na normal lang lahat ng changes mo... ๐Ÿฅฐ hugs and kisses sayo momshies

Magbasa pa

better tell you're husband/ partner kung ano nafi-feel mo momsh pag nacocompare ka nya sa iba. pag preggy kasi talagang emotional tayo or very sensitive. ito yung time na maslalo nating ayaw mai-cocompare sa iba. iba't iba naman kasi ang pagbubuntis. ako kasi minsan feeling ko talaga ang pangit ko or ang taba taba ko, but I'm blessed na may husband ako na very supportive and lagi nya ako nireremind na normal yung body changes na nangyayari sa akin while pregnant. never din nya ako na compare sa ibang buntis kahit madaming nagsasabi na mukhang kabuwanan ko na kahit kaka 32 weeks ko pa lang.

Magbasa pa

Emphasize nyo po kay partner na NORMAL lang ung changes sa body at hind pre preho ung itsura ng mga buntis. Yung tatay ng panganay ko was like that too lagi nya ko bina body shame even nung nanganak nko nuon. It was bad at nkakababa naman tlga ng self esteem. Hindi kmi ngtagal at Iniwan ko po sya pra nrin sa mental health ko kse prang di nman sya mgbabago at aside dun mrami pa sya ibang gngawa di mganda. Sana po mliwanagan ung partner nyo at mging sensitive sa mga slita nya ๐Ÿ‘

Magbasa pa

Hi mommy ako dn chubby , 2 mos pa nga lang ako may nag tanong na kng kabuwanan ko na daw ba ahahah bago kasi ako mabuntis medyo laki na tummy ko. So ngyn mag 7 mos nako sure daw ba ako na hndi twins ๐Ÿคฃ C hubby naman kahit gano ko kajubis lagi snasabe pretty ko daw sexy ko daw kahit alam kong baka pinapagaan lang loob ko kasi sabe ko mukha nakong Jabi hehe cguro try to tell him na hndi lahat parepareho magbuntis and hndi ka comfortable maicompare sa iba ๐Ÿค—โ˜บ๏ธ

Magbasa pa

para sa akin mami wag mo nalang isipin masyado ung sinasabi ni hubby KC maiistress ka lang tlaga Lalo sating mga buntis na emotional Tau Ngayon dahil sa hormones natin, Ako din Naman Minsan na naiirita din sa itsura ko kasi lumolobo na Po tlaga Tau Lalo pag malapit na manganak, pero iniisip ko nalang Po is matatapos din Naman at babalik din sa dati ung katawan natin after manganak Basta healthy diet lang at pasasaan pa eh magbabalik alindog din Tau..๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

Magbasa pa