Halak at singab
Mga mommies , ask ko lang 1 month old pa lang si baby ko . Nagkaron sya ng parang halak yung parang may gatas ang lalamunan nya at laway tapos singab din sya lalo na pag madaling araw , dinala ko sya sa pedia nya at sinabi na ipa-admit na si nene kase baka maging pneumonia pa . Nakita ni dra. na di agad ako makapag-desisyon kase bukod sa hhingin ko din desisyon ng asawa ko kase 6pm pa out nya , dko kaya na sa edad nyang ganto iaadmit agad sya at macconfined? kaya humingi na lang muna ako ng iba pang klase ng gamot ni baby bukod sa naunang nireseta sa kanya at pinapa obserbahan hanggang sabado kung may pinagbago. Ano pa po kaya mabisa paraan para sa halak at singab ni baby para di na sya maadmit? Salamat po sa sasagot . GodBless
My Light