Sad question

Mga mommies, Ano kayang gagawin ko para makalimutan n ng Asawa ko ung ex nya.? Sabi nya mahal nya ko pero Hndi ganun ung nakikita ko. Last time nagpost ako tungkol saknya dahil inopen ko nun messenger Tapos nabasa ko kchat nya ung ex nya. Kasal kami May anak kami 6mons old. Nagtitiis ako, gabi gabi umiiyak ako pero Hndi nya napapansin kasi busy sya sa laro nya ung pangalan nya sa nilalaro nya pangalan ng ex nya. ninanamnam ko ung sakit para pag dating ng araw n Kaya n nya sabihin sakin ung totoo Hndi n ko ganun masaktan, gusto ko ng tanggapin ng buo At maging civil Na lang sa relasyon namin. minsan humihiyaw ako sa banyo sa sakit, Tapos Lalabas ako n parang Ok lang ako. Kung di nya kayang kalimutan ung ex nya siguro dpat ako n Lang mag adjust 😔😔#advicepls #pleasehelp

30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hi mommy, i feel you. nangyari din sakin yan pero sinampolan ko ang asawa ko na lalayasan ko sya talaga. pinakita ko sakanya na kaya kahit kasal kami, lalayasan ko sya kasi hindi ako enough sakanya. kung di sya masaya sakin at ididisrespeto nya lang ako sa pakikipagusap sa mga kung sino sinong babaeng such as exes, pabayaan na lang din nya kong maging masaya sa buhay ko hanggat itutuloy nya gawain nyang ganun, lagi lang ako masasaktan at magiging emotionally unhealthy ako. may point pa na lagi kong sinusumbat sakanya yung pinakasalan nya ko kasi sya nuon yung may gustong gusto at ako chill chill lang sa buhay nun haha. after that incident, nagtino naman na sya. and after a month nalaman din namin na preggy ako. naging showy na sya sa pagmamahal at pagaalaga. mommy, wag mong ideprive yung sarili mo sa happiness. lahat tayo may karapatang maging maligaya. dapat marealize nya kung anong mawawala sakanya pag sumuko ka. lalo na at pamilya na kayo. goodluck mommy sana maging masaya din ang marriage nyo.

Magbasa pa
Related Articles