Foreign Husband LDR

Hi mga mommies 3mos preg ako at kasal kami ng Australian hubby ko dito sa Pilipinas kami kinasal 35 age nya at 30 naman ako. Just yesterday lang gusto nya na akong hiwalayan dahil sa pag uugali ko lagi ako rude sa kanya simula ng nabuntis ako I admit lagi ko talaga siya na pag iinitan ng ulo maliit na bagay nagsusungit ako lalo na pag meron ako gusto o sinasabi at kinokontra nya ako until kahapon sabi nya at pinost nya sa fb nya inaanounce nya sa lahat ng friends and relatives na iiwan nya daw ako dahil sa rude na pag uugali ko ngayon gusto nya mangyari pag nanganak ako kukunin nya daw ang baby namin. Ask ko mga mommies makukuha nya ba ang baby namin? ????

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hmmm question din sakin yan . I mean hindi ba talaga kayang magadjust ng preggy kung hindi mabigay o masunod ang gusto nya? Maiinitin ang ulo pero gumagana parin naman ang utak mo at mkakapagisip ka parin para pigilan ang sarili mo to be rude. I'm 30weeks pregnant, may mga gabi na may gusto ka kainin at magpabili sa hubby mo pero dahil pagod sa work hindi nya ako maibili. Ako ang nagaadjust masama sa kalooban ko pero HELLO pagod yung asawa ko. Minsan nagagamit nalang ung reason na buntis ako kaya ibigay mo ang gusto ko. Malakas din toyo ko pero hindi ko naman hahayaan masaktan kk ang feelings ng asawa ko ng bongga. Mahirap sitwasyon mo kasi hindi filipino ang asawa mo ,iba kayo ng kultura at ng kinalakihan. Hindi nya makukuha ang baby mo dahil ang batas natin dito sa pilipinas hanggat wala pang 7 yrs. Old sa nanay mapupunta ang bata . 7 yrs old above makakapamili na ang bata kung kanino sya sasama. Unless wala kang kapasidad na buhayin o wala ka sa tamang pagiisip ang anak mo pwede makuha ng asawa mo ang bata.

Magbasa pa
6y ago

Manilis Lang process NG visa NG Australia ah. My dad is an Australian citizen.