Foreign Husband LDR

Hi mga mommies 3mos preg ako at kasal kami ng Australian hubby ko dito sa Pilipinas kami kinasal 35 age nya at 30 naman ako. Just yesterday lang gusto nya na akong hiwalayan dahil sa pag uugali ko lagi ako rude sa kanya simula ng nabuntis ako I admit lagi ko talaga siya na pag iinitan ng ulo maliit na bagay nagsusungit ako lalo na pag meron ako gusto o sinasabi at kinokontra nya ako until kahapon sabi nya at pinost nya sa fb nya inaanounce nya sa lahat ng friends and relatives na iiwan nya daw ako dahil sa rude na pag uugali ko ngayon gusto nya mangyari pag nanganak ako kukunin nya daw ang baby namin. Ask ko mga mommies makukuha nya ba ang baby namin? ????

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag ka pumayag mumsh. May mga napanuod akong ganyang style nung guy foreigner. Yun pala human trafficking yung business niya. Kaya medyo nkakatakot dn. Laban lang sis

6y ago

True to. Feel ko inanakan Lang siya kaso baog Yung gf hahahaha

Pag nanganak ka naman wala sya jan para pumirma wag mo papirmahin ipangalan mo sayo. Dun pa lang panalong panalo kana di nya makukuha ang bata.

Sa batas natin sa mommy ang anak til 7 unles maprovr nya sa court na psychologically or emotionally incapable ka to raise a child..😊

Of course not! Don't tell him na manganganak kana. Better leave him. Saka kana mag file ng divorce after birth and huwag mo iapilyido.

Hi. No. Philippine law allows full custody of children below 7yo sa mga moms. Just make sure you give birth here sa Philippines.

VIP Member

Ikaw pa din mas me karapatan sa anak mo sis kahit kasal pa kayo. Dito kayo sa Pinas kinasal kaya ditong batas ang susundin nyo.

Hindi niya po makukuha baby niyo, kasi may batas po tayo na below 7 yrs old sa nanay po ang custody ng bata.

TapFluencer

Lapit ka sa abugado Sis hingi ka advice,pero try mo ring kausapin bka maaus nio pa pagsasama nio.

Baka naman kasi napaglilihian mo xa..mag usap kayo ng masinsinan sis

Hindi nya po pwede kunin yung baby till 7 yrs old po ang bata