hi mga mii ftm here!πŸ‘‹ nakaka pressure po kapag karamihan sa relatives mo mapamahiin e no? ganun din sa sa side ng asawa ko. sang ayon nalang ako kunwari kahit sa totoo lang di talaga ako kumbinsido. ang hirap din kasi yung asawa ko naniniwala, kaya ito ang daming pinag babawal sakin. kung science naman alam ko kung ano talagang bawal sakin, mula sa pag kain, sa pagkilos or what. pero yung sila mga paniniwala nila medyo naiirita na ako minsan inaaway ko na yung asawa ko dahil sa pagpapaniwala nya sa matatanda. isa pa si mama kesyo daw wag daw munang mag paultrasound, mag pahilot daw muna ako kasi nalalaman naman daw nila yun kung suhi o hindi at para maayos nila. kahit paulit ulit kong sinasabing ayoko, kinukulit parin talaga ako, ako pa lumalabas na pasaway. ramdam ko naman po kasi na normal ang position ni baby sa loob dahil sa taas ang galaw nya at pag may sinok sa puson ko nararamdaman. until ito na nga kanina nagulat nalang ako dumating na yung manghihilot sakin kanina dito sa bahay. di na ako naka palag nagdasal nalang ako na sana wag mapahamak si baby sa loob. at yun nga magaan naman loob ko kasi hindi madiin yung hilot nya at sinabing normal nga daw yung posisyon ni baby sa loob kaya di nya na masyadong ginalaw. hays hanggang ngayon sinasabihan ako ni mama na wag munang mag paultrasound kasi magastos lang daw dahil paguulit ulitin lang akong iultrasound hanggang sa bago ako manganak. pero naka pag decide na kami ng asawa ko na mag paultrasound bukas josmee 6 months na tyan ko e di ko pa nachecheck yung lagay ni baby sa loob dahil sa pagpipigil nila sa amin. hula rin pala ng naghilot na lalaki daw si baby haha tuwang tuwa naman yung mama ko dahil wala silang anak na lalaki. bukas mag kakaalaman hehe

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

napaka hirap ng maraming nakiki alam sayo lalo na kung katawan mo naman yan. nakakastress talaga. di mo alam if magiging grateful ka kasi may care sila or maiinis ka lang. ang nakakapag alala sana naman pag nanganak ka na at may baby ka na ay hayaan at respetuhin nila ang desisyon mo. lalo na at magiging magulang ka na rin. okay lang naman mag payo sila pero dapat kayo lang mag partner mo ang masunod at dapat kayong dalawa muna mag kasundo sa pag dedesisyon over anyone else. di pwde yung pag kaka-isahan ka nila at masasanay sila nakiki alam speaking lang from experience and struggles myself. i hope the best for you and your baby. God bless.

Magbasa pa
3y ago

Very true sis. Same na same. Ako hanggang lumabas anak ko dinidikta nila mga gagawin ko, para walang gulo nung una akalan nila gngwa ko lahat pero pag nsa kwarto na never ko bngay s baby ko ilor gnwa lahat kasi hindi talaga ako naniniwala. Until one day nagtawag pa sila ng hilot sa bahay wala nako nagawa pero sobrang sama. Ng loob ko.. Kaya ngayon umiwas na ako pag nbuntis wala na sila magagawa lalo kasi malayo na kami kahit papano. Ang hirap lang, super stress kasi