Alkansya/Ipon

totoo po ba na masamang mag alkansya pag buntis? kanina po kasi bigla nalang sinabi sakin ng asawa ko na buksan na daw namin yung alkansya kasi sinabi daw ng ate nya na masama daw mag alkansya pag buntis. kesyo ipapautang nya nalang daw kay ganito ganyan. nag init po talaga dugo ko kasi yung iniipon namin na yun pang bili sana ng essentials kay baby sa august. dibali po sana kasi diba kung mag sasabay sabay yung bayad ng mga papautangin nya. hanggang ngayon nag ngingitngit parin ako sa inis. #1stimemom

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Depende na lang siguro sayo mi kung susunod kayo sa pamahiin. May mga matatandang nagsasabi na bawal mag-ipon dahil baka maaga raw kunin si baby. Nakakatakot nga naman yung pamahiin, pero siguro mas nakakatakot pag wala kayong ipon pambili ng gamit ni baby.

2y ago

Naadapt na lang siguro niya yung pagiging mapamahiin ng pamilya nya. Sabihan mo na lang siya na imbes ipautang, ipambili niyo na lang agad yung natatabi niyong pera. Madadaan yan sa maayos na usapan mi. Wag ka na mainis mi, mararamdaman ni baby yan.

ako po nag alkansya dun namin kinuha pangbili ng mga gamit ni baby pati na rin sa panganganak, ngayon mag 4 years old na cya..

2y ago

ang hirap mi pag may asawang mapaniwala rin sa pamahiin. yung both parents kasi namin mapamahiin na pepressure na nga ako sa kanila pati pag papahilot na nakailang tanggi na ako natuloy parin talaga, nagulat nalang ako nasa bahay na yung manghihilot. imbis na kakampi mo asawa mo isa pa tuloy sya, nakaka- arghh ayoko nalang mag talk🙄😫