hi mga mii ftm here!πŸ‘‹ nakaka pressure po kapag karamihan sa relatives mo mapamahiin e no? ganun din sa sa side ng asawa ko. sang ayon nalang ako kunwari kahit sa totoo lang di talaga ako kumbinsido. ang hirap din kasi yung asawa ko naniniwala, kaya ito ang daming pinag babawal sakin. kung science naman alam ko kung ano talagang bawal sakin, mula sa pag kain, sa pagkilos or what. pero yung sila mga paniniwala nila medyo naiirita na ako minsan inaaway ko na yung asawa ko dahil sa pagpapaniwala nya sa matatanda. isa pa si mama kesyo daw wag daw munang mag paultrasound, mag pahilot daw muna ako kasi nalalaman naman daw nila yun kung suhi o hindi at para maayos nila. kahit paulit ulit kong sinasabing ayoko, kinukulit parin talaga ako, ako pa lumalabas na pasaway. ramdam ko naman po kasi na normal ang position ni baby sa loob dahil sa taas ang galaw nya at pag may sinok sa puson ko nararamdaman. until ito na nga kanina nagulat nalang ako dumating na yung manghihilot sakin kanina dito sa bahay. di na ako naka palag nagdasal nalang ako na sana wag mapahamak si baby sa loob. at yun nga magaan naman loob ko kasi hindi madiin yung hilot nya at sinabing normal nga daw yung posisyon ni baby sa loob kaya di nya na masyadong ginalaw. hays hanggang ngayon sinasabihan ako ni mama na wag munang mag paultrasound kasi magastos lang daw dahil paguulit ulitin lang akong iultrasound hanggang sa bago ako manganak. pero naka pag decide na kami ng asawa ko na mag paultrasound bukas josmee 6 months na tyan ko e di ko pa nachecheck yung lagay ni baby sa loob dahil sa pagpipigil nila sa amin. hula rin pala ng naghilot na lalaki daw si baby haha tuwang tuwa naman yung mama ko dahil wala silang anak na lalaki. bukas mag kakaalaman hehe

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naku nakakaloka nga Yan πŸ˜… wala Kang kakampi .sa first born ko ganyan din ako Dahil nasa bahay ako ng mama ko nung nag bubuntis ako daming pamahiin. sa pagkain,sa kilos, pati Yang ultrasound πŸ˜‚ Pero Di talaga ako nagpahilot matigas ulo ko ayoko talaga... nakapagpaultrasound na Lang ako noon 8 months na πŸ˜‚.buti Okey Lang si baby ko. ngayon present time currently 28 Weeks na akong buntis sa second baby ko πŸ₯° masaya ako Kasi walang makukulit na pamahiin πŸ˜‚Dahil may sarili na kaming bahay ... naka dalawang ultrasound na ako hahaha nung 20 weeks at 25 weeks tyan ko.. buti na Lang asawa ko Hindi Rin naniniwala sa pamahiin πŸ₯° as of now normal si baby girl ko nakapwesto na ❀️ enjoy ko na Lang pregnancy journey ko. ikaw din Sana. Pag Labas ng baby mo dami paring pamahiin nan. Kung alam mo sa sarili mo na Hindi Tama para sa anak mo . sabihin mo agad Kasi pag may nangyari sa baby mo ikaw at si baby mo ang mahihirapan Hindi sila.dami Kong nabasang kwentong ganyan dito about pamahiin Dahil sa makukulit na in-laws napahamak si baby ..

Magbasa pa