Normal lang po ba bumalik yung nga baby acne or butlig?
Hi mga mii. Ask lang po as a first time mom. Hindi kasi ako mapakali, may tumutubo na naman kay baby na butlig sa muka. Tapos ngayon yung leeg nya namumula at parang nagtutubig. Last time na admit sya dahil sa butlig na biglang kumatas ng yellow nag cause ng seborrheic dermatitis. Natatakot ako baka ma confine na naman. Ginagamit ko naman yung nireseta samin ni doc na cream 3x a day para ipahid sa mga butlig or rashes nya. Di ko na po alam gagawin ko, napaparanoid ako.
sis iwsan mo touch skin mo sa face ni baby tuwing karga nio sya.nppnsin ko kc yan sa baby ko tuwing nkkligtaan ko mglgy ng lmpin or pranela sa braso pgkrga ko sya ngkkrashes sya gwa ng pawis ntin.kya iniwsan ko tlg un tpos sabun nia cethaphil shampoo bath and lotion since newborn kya nwwala agad rashes..sobra sensitive tlga skin ng mga baby mdli mgkarashes.sa leeg nmn iwsan lgi paptakan ng gtas kc un nkkpgrashes,at tuwing gbi linisan ng warm water n my unti alcohol un lng gngwa ko sa baby ko mg 2 months plng sya
Magbasa paYes, if may steroids and not used properly. Wag gagamitin ng higit pa sa araw na binaggit ni doc. I suggest stop muna cream, baka hindi din hiyang na pati sa soap. Ask a pedia dermatologist. Again, ingat sa steroids. Soap/lotion for babies: - Cetaphil (original, unscented) - Physiogel AI Cream - ask pedia re: Aveeno Products if may budget, Mustela Products... madami na din nagsulputan na brand ngayon e. *** yung sa leeg niya mainam kung nakakasingaw yung skin, wag hayaan na mapawisan.
Magbasa panatural yan mawawala rin yang habang lumalaki si baby wag nyo po masyado lagyan ng kung ano ano kasi sensitive pa yung balat ni baby lalo nasa mukha tapos yung sa leeg milk na naiipon yun kaya kung maaari punasan mo po ng tuyong tela para lagi syang tuyo, yung sa baby ko nilalagay ko sa leeg at kili kili nya yung tiny buds in a rash pag tuyo na sya lalagyan ko ng pulbo tapos kinabukasan magaling na sya pero hindi daw po advisable ang pulbo pag newborn pa kaya patuyuin nyo nalang po.
Magbasa paSame sa baby ko na nagkaron din ng seborrheic dermatitis. May yellow din na lumalabas sa skin nya pati sa ulo and leeg at likod ng tenga. Hindi sya naconfine. We just followed lang yung prescription ni doc (creams and antibiotic and antihistamine) 3 days lang kuminis na sya uli pero yung medication ng creams and antibiotic is 7 days so we just continued it kahit gumaling na sya ng 3 days. Never naman bumalik pero pag may flares, I use mustela stelatopia face cream.
Magbasa paGanito nangyari sa baby ko few days ago.. After 1 day, nawala agad. Niresetahan sya ng elica for face at bactroban for neck. Yung cradle cap or langib langib sa ulo at kilay binabaran ko lang ng vco before maligo unti unti din nawawala.. Yung panligo nya is cetaphil cleanser. Better yet pacheck mo po muna yung baby mo para maresetahan ng tamang gamot ☺️
Magbasa paNormal lang pudaw yan si baby ko nag karon niyang halos 1 week din wala kaming ginawa kusa lang siyang nawala ngayon makinis na ulit ang mukha niya pinupunasan ko lang ng bulak na may tubig na maligamgam baka nakatulong yon sa butlig ng baby ko
yes po normal na bumalik sila pabalik balik po ganun. try nio po ung my coco cream effevtive sa baby ko ganyan din po ang ichura ng rashes nia. hanggang ngayon meron minsan naman wala.
okay lang ba na fresh water lang? or need talaga may ipahid sa face ni lo para mawala yan , 1month and 10days old po sya
same sa baby ko sis nawala lang kakapahid o ng breast milk bago maligo..
Try niyo po yung cetaphil. Jan po nawala yung sa baby ko 🤗
Family Over Everything.