Normal lang po ba bumalik yung nga baby acne or butlig?

Hi mga mii. Ask lang po as a first time mom. Hindi kasi ako mapakali, may tumutubo na naman kay baby na butlig sa muka. Tapos ngayon yung leeg nya namumula at parang nagtutubig. Last time na admit sya dahil sa butlig na biglang kumatas ng yellow nag cause ng seborrheic dermatitis. Natatakot ako baka ma confine na naman. Ginagamit ko naman yung nireseta samin ni doc na cream 3x a day para ipahid sa mga butlig or rashes nya. Di ko na po alam gagawin ko, napaparanoid ako.

Normal lang po ba bumalik yung nga baby acne or butlig?
11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same sa baby ko na nagkaron din ng seborrheic dermatitis. May yellow din na lumalabas sa skin nya pati sa ulo and leeg at likod ng tenga. Hindi sya naconfine. We just followed lang yung prescription ni doc (creams and antibiotic and antihistamine) 3 days lang kuminis na sya uli pero yung medication ng creams and antibiotic is 7 days so we just continued it kahit gumaling na sya ng 3 days. Never naman bumalik pero pag may flares, I use mustela stelatopia face cream.

Magbasa pa