Nag Lalagas Buhok Ni Baby At May Butlig Butlig Sa Muka.

Hi mga momsh. Mag ttanong lang po ako. Normal lang po ba yung nag Lalagas ang buhok ni bby sa may bandang bunbunan? Mejo napapanot sya sa bandang yun e. Tpos Normal lang din po ba yung Butlig Butlig Sa Muka ni bby? Pati rin sa leeg at braso nya meron mapula yung Butlig Butlig nya na yan. San po kya yan nakukuha? Sa alikabok po ba o sa Init ng panahon? Ano po sa tingin nyo mga momsh? Si bby po 3weeks old palang po. Salamat 😊

Nag Lalagas Buhok Ni Baby At May Butlig Butlig Sa Muka.
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Momsh normal Lang po lahat ng yan sa mga new born. Yung paglalagas ng hair ni baby aabot Yan hanggang 3 to 4 months Kasi nagpapalit na sya ng permanent hair. About Naman sa butlig ni baby sa mukha , new born rashes po tawag dyan mawawala Yan after 1 to 2 months. Pero panatilihin pa rin nating malinis si baby at punasan ang pawis. Minsan nakakadagdag din Kasi Ang init ng panahon. Tsaka Yung sabon nya momsh, lagi mo obserbahan if hiyang sya sa Sabon nya pati na rin sa ginagamit nyo na sabon or fabric conditioner sa damit at gamit nya. Bawal po sa mga baby yung matatapang dapat mild lang.

Magbasa pa