13 Replies
Actually mi, importante ang "sex" sa couple. Hindi un ang priority pro very vital pa rin un sa relationship ng mag asawa. Intimate bonding un ng mag asawa and outlet un para makalimot sa stress. May certain hormones na narerelase during sex, "happy hormones" actually. Kung dati active kau and now na may baby na eh el niño n bigla, something's wrong talaga. Pero hindi ibig sabihin na "may babae" agad. 1) Tama po ung ibang comments dito, use contraceptives, bka nga takot na takot p c mister na masundan c baby kasi as we all know, financially, physically, emotionally and mentally draining ang magkaron ng anak kasi very huge responsibility tlg ang magraise ng bata. 2) Try to revive the "kilig" moments ninyong mag asawa. You may start by kissing him when u wake up.kht simpleng smack lang with "i love u", cook his fave dishes, wear sexy lingerie pag m22log na..but do not initiate sex po agad.. give him the chance na mafeel ung pananabik. 3) Communication. Be vocal. sabihin mong miss mo na siya. kung pagod lagi ang rison nya. ityming mo na nkapahinga xa, usually after maligo and kumain, mag usap kayo na kaung dlwa lng, but make sure na wag palaging seryoso ang usapan. I mean, mas maganda pag may tawanan, asaran. Kahit sa pagpasok nyo sa work, sabay kayo lgi, say a joke or magkwento ka ng sumthing funny na npanood mo. 4) Pray 🙏☝️na ilayo kayo pareho sa tukso. Hindi masamang akitin mo ung asawa mo. Be a mum to your baby but let's not forget may mga mister din tayo na naging "baby" natin originally db..so try to bring back the spark. Siyempre ibang usapan na pag may babae nga. Pero ikw n dn nagsabi na wala so by all means, take ur husband back. 😉go go go mi!!!
UPDATE: nag heart to heart talk na po kami ni mister. Ang sabi niya pagod lang talaga siya sa trabaho at sa byahe dahil from north to south ang byahe namin pagpasok sa trabaho. Wag daw ako mag overthink kasi nasa akin lahat ng sahod at time niya. Hindi na lang daw talaga niya kaya ng everyday na katulad dati nung mag gf/bf pa lang kami dahil yung lust daw niya napalitan na ngayon ng responsibilities. Responsibility sa trabaho at responsibility sa bahay. Mas mataas lang daw talaga ang libido ko kaysa sa kanya. Sa ngayon medyo okay naman na ako, respetuhin ko nalang muna si mister na makapagpahinga, mag wait na lang talaga ako kung kailan siya mag initiate. Pray na lang din na sana hindi ako ang matukso. Thank you po sa mga advices niyo ♥️
mima wag ka muna mag overthink. baka naman stressed na din si hubby sa work? tulad ng Sabi mo sabay kayo pagpasok ng work means may nag aalaga kay baby right? so pwede kayo mag date ni hubby.. para makapag solo.. mag VL kayo sabay. and skl nung nanganak ako kay bunso mag 2yo na siya nung nag sex kami ni hubby ulit.. gusto man namin mag sex e walang chance dami chorba dito sa house at lagi pa kami magkadikit ni baby na Breastfeeding pa rin til now 2yo na😆.. pero d ko naman pinag iisipan na baka may kabit hubby ko kasi WFH siya at ako naman may printing business dito lang din sa bahay kaya everyday kami magkasama.. di lang namin talaga priority ang sex kasi busy kami both Pero pagmamahal namin di naman nabawasan
Ipagpatuloy nyo lang po ang communication kay mister, pati ang paggamit ng robust ay sa kanya nyo rin po tanungin. Kung pagod sa trabaho, you can suggest trying it out on the weekends, or in the early morning. Kung ayaw pa masundan si baby, use condom or other contraceptives. Don't take it personally... Communication is the key ☺️ Just as may mga wifeys na nawalan nang gana, and asking for respect and understanding from their hubbys... we should give men the same consideration ☺️
I'd say na pareho tayo ng situation but in reverse dahil ako nawalan ng libido. Reason ko rin ay pagod and probably hormones. Nagtampo rin mister, nagrereklamo na bakit dati ako pa nagi-initiate at may times na more than once a day pa. Sa akin naman, syempre nami-miss ko rin pero ano magagawa ko? Hindi pa ba enough yung mga ginagawa ko para sa family namin, etc. In the end, sex lang ba ang pinakamahalaga sa kanya? etc. etc... Maraming tampuhan sa simula, pero ok na kami ngayon and we're able to work it out and make a compromise through continuous open discussion ☺️ Kaya without any judgment and only with the intention to understand and solve the issue, pag-usapan nyo lang po na mag-asawa ☺️
Hi Parents! Just a reminder to BE KIND and respect the post. Welcome ang lahat ng questions dito. Gusto naming panatilihing safe ang space na ito para sa mga parents na mag-share ng stories at magtanong. Binura namin ang mga offensive comments na na-report kasi walang lugar para sa mga ganun dito sa app na ito. Let this be a reminder to keep this community a safe space for fellow parents to share stories and ask questions. Thanks!
I agree sa sinabi ng ibang momshie dito, communication is the key talaga, ganyan din si hubby lalo mas bata siya saken pero sinabi niya din saken na nagiingat siya at baka mabuntis ulit ako, super worried din siya kasi nakita niya kung gaano kahirap ung dinanas ko during delivery
Same. Pero busy lang talaga sa work at mga ganap. Pero dapat kasi sana wag mawalan ng time sa isat isa. Important din sana sa mag asawa. Sure wala naman 3rd party kasi if meron, mafefeel mo naman yun sis. So nothing to worry, di ka nag-iisa. Busy lang talaga siguro
communications mhie ask mo si hubby kung bakit wala na siyang gana. gumamit ka ba ng family planning? if not baka takot lang talaga siya na magbuntis ka ulit at di pa sya ready sa pangalawang anak. better to talk to him po para malinawan ka.
kami ni husband Wala na talagang GANA mag sex, Lalo na katabi namin baby namin matulog. pakiramdam Kasi namin kapag magsesex kami tapos Makita ni baby, iniisip Kasi namin na may isip na Siya eeh. kaya nahihiya kami Gawin Yun.
baka nga sa pagod lang po, kasi hubby ko sa dami ng ginagawa sa office pag uwi plakda, minsan maglalambing pero mas lamang talaga yung pagod. try to do it on a weekend yung tipong naka pahinga sya.
Anonymous