Pa advice mga momshie
Hello mga mi i just need some advice po mag 9 months na po ako tsaka ako iniwanan ng tatay ng baby ko dahil sa pagod na daw siya sa ugali ko di man lang niya inisip na preggy ako at ngayon nahihirapan po ako pero kinakaya at pinipigilan ko wag mastress iniisip ko na lang si baby 🥺 kahit po ano suyo ko sa kanya ayaw na niya at sa bata na lang daw 🥺 2 weeks mahigit na po kaming wala at ni kamusta wala man lang 😥 ngayon po chinat ko siya kinamusta ko po ang reply niya wala pa daw siyang pera eh kamustahin ko lang muna sana alam niya naman kelan due date ko. Ano sa tingin niyo mga mi hahabulin ko pa ba o di na 😢 #Needadvice #respect #singlemom
Every thing happens for a reason sis. Nangyayari lahat ng pagsubok sa buhay natin to make us more stronger. Kailangan mo lang lakasan para sa magiging baby mo. Pagdating ng panahon maiisip mo nalang na wow nakaya mo pala lahat kahit mag isa. I’m 3 mos pregnant nung naghiwalay kami nung dad ng 2nd baby ko akala ko diko makakaya. Pero nung lumabas si baby naging proud ako sa sarili ko kasi diko akalain na kinaya ko lahat mag isa. Ngaun he’s 7yo lumaking matalino at mabait na bata kahit walang dad. Now i’m currently 10 weeks pregnant with my 3rd baby sa bago kong partner. Masaya kami tanggap ng new partner ko ang kids ko parang mga anak niya na rin and magkakaron na rin kami ng new baby. Pray lang lagi kay God tutulungan ka niya ma overcome mo lahat ng pinag dadaanan mo. You’ll never know baka mapag isip isip din ng partner mo ung pagkaka mali nya then bumalik siya one day. Wag ka na maghabol kasi the more na naghahabol ka lalo lang siya magpapahabol at aayawan ka. Show him na kaya mo pa rin kahit wala siya. Then he will see your worth 🤍
Magbasa paHayaan mo nalang mamsh. Naghiwalay naman kami ng asawa ko pagkatapos ng bday ng anak namin. ganyan din, sa ugali kodaw. e nakatira lang naman kami sa bahay ng mama nya. ang hirap gumalaw sya lang masaya sya bahay nya nagagawa nya ang gusto nya, ako hindi. tinatry ko naman iwork out din dahil ang gusto ko lang naman bumukod ng bahay pero ayaw nya iwan ang nanay nya. alam nyo ba na ilang beses na kami nagsecelebrate ng new year na hiwalay, andun sya sa mama nya hahahaha. hay. konting oras lang para sa samin di nya mabigay. sabi ko ok na to. baka ako nga ang problema, gusto ko buo kami kaso di ayaw nya. ang pamilya nya ang mama nya. kaya hinayaan ko na hahahahaha
Magbasa paMama's boy asawa mo mamsh haha same din ba yung sa tatay ng baby ko nagalit lang mama niya dahil sa pinangbibili ko ng need ng baby ko eh kabuwanan ko na wala pa damit , yun din dahilan bat kami naghiwalay tapos sinabi na lang niya na na pagod na siya sa ugali ko kung kelan buntis at malapit na manganak 🤦
Hello hindi ka nag-iisa, iniwan din ako nung 7 months na tiyan ko. Inisip ko nalang na may bata na nakadepende sa akin kaya hindi pwede na sasayangin ko pa oras ko para habulin sya lalo na kung ayaw na talaga nya. Sustento nalang mi, kapag hindi nagbigay idaan nyo sa barangay. Palagi mo isipin anak mo sa mga desisyon na gagawin mo, mas kailangan ka nya, piliin mo sya palagi kasi ikaw unang tao na kailangan nandyan para sakanya. Bigay mo yung pagmamahal sakanya na hindi mo natanggap. Kaya mo yan marami pa kayo pagdadaanan dalawa ni baby. 🤍 Goodluck po sa panganganak nyo pakatatag ka po para sa baby mo at lalong lalo na sa sarili mo. 😊
Magbasa paGanyan iniisip ko mi nililibang ko na lang sarili ko para di ako mastress at maging kawawa si baby 😢 pero ang hirap pala maiwan ng buntis ka di mo mailabas lahat ng sama ng loob kasi may baby na nakadepende pa sayo. thankyou sa advice mi ingat din kayo ng baby mo godbless always 😇❤️
pray lang mi laht my rason laht malalampsan yan mi twla ka lng lge sa plano ni lord balang araw ngingitiin mona lang lht ng npgdaanan mo mi.. gwin mong inspirasyon ang ngyari sau or merun sau ngaun mi at dyan ka kmuha ng lakas mi mkkraos ka rin mi at lalo c baby mo cya ang unang taong nkakaunawa sau pgdting ng panahon. at para nmn kay boy sana nmn iniicip mo buntis ang asawa mo kng mhl ka nyan ng totoo at tapat hnd yan bsta bsta lalau sau mi lalo na my baby kau at kng my malawak na pang unawa cya dpat unawain ka hnd ung side lng nya ppiliin nya.
Magbasa paTry mo lng sya suyuin, imessage mo lng sya gaya ng "miss na kita" "wag mo pabayaan sarili mo" "ingat ka lage" "sna pg lumabas si baby anjan ka para skanya". Do it for your baby. Someday mghahanap yan ng papa nya, someday maiingit yan sa mga bata na may papa, someday gusto nya mgkaroon sya ng superman. Someday gusto nya ng perfect family. Kaya do not close the door mi. Wag mo sukuan ang asawa mo. At kung dumating man ung worst na hnd na tlga babalik sayo ang asawa mo atleast hnd ka sisisihin ng anak mo kasi ginawa mo naman lahat.
Magbasa paDi niya kasi ako nirereplyan mi pag tungkol sa amin usapan pero pag sa sustento sa baby nagrereply siya 🥺
Be strong and have faith lalo na 9 mos ka na. Kapag dumating na si baby babalik din husband/partner mo. Mas marealize niya na mali ang iwanan niya kayo. For now, isipin mo yung panganganak mo. Healthy dapat ang mind and body. Make yourself busy para hindi mo maisip. Kapag lalo mo siya kinukulit lalo niya lang iniisip na ang toxic na ng relationship niyo. Ingat mi❤️❤️❤️
Magbasa pakapit lang mi...be strong for your baby..
bkit kayo nag aaway? ang mga lalaki ayaw nyan ng toxic na relasyon sis. kung di nya nakkita syo na magkakaron sya ng peace of mind na ikaw ang kasama nya wala iiwan at iiwan ka tlga nyan lalo na sbe nya pagod na sya sa ugali mo. learn how to compromise ika nga. give and take nman ang relasyon e. ipagdasal mo kay lord lahat baka sakali mabuo pa ang inyong pamilya. god bless
Magbasa paIm sorry to hear this mumsh. Sometimes may mga pangyayari po talaga sa buhay natin na we can’t comprehend kahit gaano natin subukang unawain. Baka po way ito para mas maging matatag tayo para na rin kay baby. Praying for you po!
Thankyou mi at andyan kayo para ma advice an ako , I hope maging okay din ako soon 😇
Nako mi, kapag lumabas baby mo mas magiging strong ka at lalaban ka para sakanya kasi masaya kahit kayonh dalawa lang. ❤️ pray lang mi, ito bigay satin ni Lord kaya makakayanan natin yan. Yakaaaaapp 🤗🤗🤗🤗
Oo mi kasi yung hormones natin, lalala pa yan ng 2 weeks after manganak pero iiyak mo lang then labanan mo na after kasi baka magtuloy tuloy mahirap na. Basta palakas ka mi para mabilis ka din magheal at maalagaan agad si baby. ❤️
Mi, wag mo na habulin yung ganyang klase ng lalake, hindi mo deserve yan. Sorry sa word pero wala syang kwenta.
yes mi, nilalayo ka ni God sa kanya dahil hindi sya ang para sa'yo, you deserve more mi. Pray lang po lagi para mapunta ka sa tamang tao. Good luck po sa'yo and safe delivery sa inyo ni baby 🙏 Wag ka paka stress. GOD bless.
Dreaming of becoming a parent