Pa advice mga momshie

Hello mga mi i just need some advice po mag 9 months na po ako tsaka ako iniwanan ng tatay ng baby ko dahil sa pagod na daw siya sa ugali ko di man lang niya inisip na preggy ako at ngayon nahihirapan po ako pero kinakaya at pinipigilan ko wag mastress iniisip ko na lang si baby 🥺 kahit po ano suyo ko sa kanya ayaw na niya at sa bata na lang daw 🥺 2 weeks mahigit na po kaming wala at ni kamusta wala man lang 😥 ngayon po chinat ko siya kinamusta ko po ang reply niya wala pa daw siyang pera eh kamustahin ko lang muna sana alam niya naman kelan due date ko. Ano sa tingin niyo mga mi hahabulin ko pa ba o di na 😢 #Needadvice #respect #singlemom

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello hindi ka nag-iisa, iniwan din ako nung 7 months na tiyan ko. Inisip ko nalang na may bata na nakadepende sa akin kaya hindi pwede na sasayangin ko pa oras ko para habulin sya lalo na kung ayaw na talaga nya. Sustento nalang mi, kapag hindi nagbigay idaan nyo sa barangay. Palagi mo isipin anak mo sa mga desisyon na gagawin mo, mas kailangan ka nya, piliin mo sya palagi kasi ikaw unang tao na kailangan nandyan para sakanya. Bigay mo yung pagmamahal sakanya na hindi mo natanggap. Kaya mo yan marami pa kayo pagdadaanan dalawa ni baby. 🤍 Goodluck po sa panganganak nyo pakatatag ka po para sa baby mo at lalong lalo na sa sarili mo. 😊

Magbasa pa
3y ago

Ganyan iniisip ko mi nililibang ko na lang sarili ko para di ako mastress at maging kawawa si baby 😢 pero ang hirap pala maiwan ng buntis ka di mo mailabas lahat ng sama ng loob kasi may baby na nakadepende pa sayo. thankyou sa advice mi ingat din kayo ng baby mo godbless always 😇❤️