Pa advice mga momshie

Hello mga mi i just need some advice po mag 9 months na po ako tsaka ako iniwanan ng tatay ng baby ko dahil sa pagod na daw siya sa ugali ko di man lang niya inisip na preggy ako at ngayon nahihirapan po ako pero kinakaya at pinipigilan ko wag mastress iniisip ko na lang si baby 🥺 kahit po ano suyo ko sa kanya ayaw na niya at sa bata na lang daw 🥺 2 weeks mahigit na po kaming wala at ni kamusta wala man lang 😥 ngayon po chinat ko siya kinamusta ko po ang reply niya wala pa daw siyang pera eh kamustahin ko lang muna sana alam niya naman kelan due date ko. Ano sa tingin niyo mga mi hahabulin ko pa ba o di na 😢 #Needadvice #respect #singlemom

10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Every thing happens for a reason sis. Nangyayari lahat ng pagsubok sa buhay natin to make us more stronger. Kailangan mo lang lakasan para sa magiging baby mo. Pagdating ng panahon maiisip mo nalang na wow nakaya mo pala lahat kahit mag isa. I’m 3 mos pregnant nung naghiwalay kami nung dad ng 2nd baby ko akala ko diko makakaya. Pero nung lumabas si baby naging proud ako sa sarili ko kasi diko akalain na kinaya ko lahat mag isa. Ngaun he’s 7yo lumaking matalino at mabait na bata kahit walang dad. Now i’m currently 10 weeks pregnant with my 3rd baby sa bago kong partner. Masaya kami tanggap ng new partner ko ang kids ko parang mga anak niya na rin and magkakaron na rin kami ng new baby. Pray lang lagi kay God tutulungan ka niya ma overcome mo lahat ng pinag dadaanan mo. You’ll never know baka mapag isip isip din ng partner mo ung pagkaka mali nya then bumalik siya one day. Wag ka na maghabol kasi the more na naghahabol ka lalo lang siya magpapahabol at aayawan ka. Show him na kaya mo pa rin kahit wala siya. Then he will see your worth 🤍

Magbasa pa
2y ago

Nakakainspired naman mi sana makayanan ko din tulad mo mahirap man sa ngayon pero alam ko na matatapos din itong sakit na nararamdaman ko , mas lalakasan ko pa loob ko para sa baby ko at hope soon dumating din yung para sakin. Btw thankyou sa advice mi gumaan pakiramdam ko. Waiting na lang sa pagdating ng baby ko and praying for safe and normal delivery❤️ Godbless us mi.