Pa-rant lang mga mi
Hi mga mi. Gusto ko lang magshare kasi wala akong mapagsabihan/mapaghingahan. FTM ako with my 7months baby boy. Also, working from home from mon-fri:9am-7pm. Need magwork kasi hindi enough pag si husband lang may income. Breastfeeding din pala ako. Tumutulong naman si husband sa pagpapaligo and pagprepare ng foods ni baby pero medyo hirap pa din kasi madalas pa din magdemand si baby ng milk. Every 2hrs pa din sya nadede. 20 mins lang kung umidlip sa hapon. Then sa madaling araw, 3-5 times sya nagigising para magdede. To be honest, hirap na hirap ako pagsabayin pagwowork and pagpapadede/pagpatulog kay baby. Working as an accountant kaya medyo mabigat din work. Pinipilit naman masurvive kaso medyo nareach lang yung breaking point ko today kasi nagoopen ako sa husband ko na nakakapagod kasi ang daming beses ni baby nagigising sa madaling araw, kaso ang sagot nya "Hindi mo nga nagagawa ng tama eh." kasi daw hirap ako magising pag madaling araw at umiiyak na si baby, hindi din daw okay mood ko pag ginigising nya ako. Naiyak nalang ako nung sinabi nya yun, sobrang nakakadown kasi tinatry ko naman mabigay best ko kay baby kaso tao lang din ako, di maiwasan makaramdam ng pagod lalo na pag halos oras oras yung gising sa madaling araw ni baby. tapos ganun pa maririnig ko, na di ko magawa ng tama. I feel bad. kasi kulang pa din pala yung ginagawa ko. #postpartum #workingMom