Pa-rant lang mga mi

Hi mga mi. Gusto ko lang magshare kasi wala akong mapagsabihan/mapaghingahan. FTM ako with my 7months baby boy. Also, working from home from mon-fri:9am-7pm. Need magwork kasi hindi enough pag si husband lang may income. Breastfeeding din pala ako. Tumutulong naman si husband sa pagpapaligo and pagprepare ng foods ni baby pero medyo hirap pa din kasi madalas pa din magdemand si baby ng milk. Every 2hrs pa din sya nadede. 20 mins lang kung umidlip sa hapon. Then sa madaling araw, 3-5 times sya nagigising para magdede. To be honest, hirap na hirap ako pagsabayin pagwowork and pagpapadede/pagpatulog kay baby. Working as an accountant kaya medyo mabigat din work. Pinipilit naman masurvive kaso medyo nareach lang yung breaking point ko today kasi nagoopen ako sa husband ko na nakakapagod kasi ang daming beses ni baby nagigising sa madaling araw, kaso ang sagot nya "Hindi mo nga nagagawa ng tama eh." kasi daw hirap ako magising pag madaling araw at umiiyak na si baby, hindi din daw okay mood ko pag ginigising nya ako. Naiyak nalang ako nung sinabi nya yun, sobrang nakakadown kasi tinatry ko naman mabigay best ko kay baby kaso tao lang din ako, di maiwasan makaramdam ng pagod lalo na pag halos oras oras yung gising sa madaling araw ni baby. tapos ganun pa maririnig ko, na di ko magawa ng tama. I feel bad. kasi kulang pa din pala yung ginagawa ko. #postpartum #workingMom

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Suggest ko lang mi, wag na kayo mag anak ulit. Tama na muna yan. Isa pa nga lang ganyan na makapag sabi asawa mo.. Nakaka trigger lang yang sinabi ng asawa mo, kung ganyan siguro sinabi ng asawa ko pinagtatapon ko na damit nya. 🤧 so far naman nakatatlo kaming anak hindi nya pa naman nasasabi yan. Dahil first time parents pa naman kayo, madami pa adjustments. Ganyan din ako sa 1st baby working pa ko nun, hirap talaga pagsabayin, stressful talaga. Kaya nung nanganak ako sa 2nd child ko, ni career ko ng maging housewife at supported naman ako ng asawa ko nun. Hindi din madali after ko huminto kasi nanibago ako, hinanap ko ung pagttrabaho. May nabasa din ako na normal lang talaga marandaman un kaya kahit nasa bahay kelangan magkaroon ka ng hobby or pagkaka busyhan bukod sa pag aalaga ng anak.. Gigil lang ako sa asawa mo 😤 pakisabi maghanap sya ng work na malaki ang sahod para hindi mo na kelangan mag work at para naman di nya sabihing di mo nagagawa ng tama. Magagawa mo lang ng tama kung mag stay ka muna sa bahay. Pero ewan ko lang sa ganyang asawa, ganyan kasi mga tipo ng tao na susumbatan ka na di ka nakakapasok ng pera pag pinili mong maging housewife.

Magbasa pa