Pa-rant lang mga mi

Hi mga mi. Gusto ko lang magshare kasi wala akong mapagsabihan/mapaghingahan. FTM ako with my 7months baby boy. Also, working from home from mon-fri:9am-7pm. Need magwork kasi hindi enough pag si husband lang may income. Breastfeeding din pala ako. Tumutulong naman si husband sa pagpapaligo and pagprepare ng foods ni baby pero medyo hirap pa din kasi madalas pa din magdemand si baby ng milk. Every 2hrs pa din sya nadede. 20 mins lang kung umidlip sa hapon. Then sa madaling araw, 3-5 times sya nagigising para magdede. To be honest, hirap na hirap ako pagsabayin pagwowork and pagpapadede/pagpatulog kay baby. Working as an accountant kaya medyo mabigat din work. Pinipilit naman masurvive kaso medyo nareach lang yung breaking point ko today kasi nagoopen ako sa husband ko na nakakapagod kasi ang daming beses ni baby nagigising sa madaling araw, kaso ang sagot nya "Hindi mo nga nagagawa ng tama eh." kasi daw hirap ako magising pag madaling araw at umiiyak na si baby, hindi din daw okay mood ko pag ginigising nya ako. Naiyak nalang ako nung sinabi nya yun, sobrang nakakadown kasi tinatry ko naman mabigay best ko kay baby kaso tao lang din ako, di maiwasan makaramdam ng pagod lalo na pag halos oras oras yung gising sa madaling araw ni baby. tapos ganun pa maririnig ko, na di ko magawa ng tama. I feel bad. kasi kulang pa din pala yung ginagawa ko. #postpartum #workingMom

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pahinga ka muna sa work mi. mas mahihirapan ka pag pati katawan mo bumigay sa pagod , mas okay na makapag relax ka kahit papano. nakakalungkot naman na ganon si hubby mo magsalita sayo. pray kalang mi. deserve mo rin ng pahinga

bili ka pump mi, 24hrs safe ang bmilk sa loob ng ref then bili ka rin milk warmer para warm yung madede nya. para pwede na rin si hubby mo gagawa nun pag madaling araw, para matulungan ka nya.

Try mo ipagawa sa kanya yung ginagawa mo,tignan natin kung kayanin niya. Anong di nagagawa ng tama? Ano ka ba,robot?! Nakaka-urat yang asawa mo ha baka beltokan ko yan.

wag na po kayo mag anak ulit mommy at kapag medyo malaki na anak mo hiwalayan mo na yang asawa mong napaka insensitive muka naman maganda work mo

siguro mag pump kanalang then ref mag invest sa mga bagay na makaka help to Baby and you.

Basta kang magtrabaho at mag alaga ng baby mo