Pa rant lang po 😔

Mga mi, gusto ko lang mag rant kasi nakakapagod din po mag alaga ng anak tapos ikaw pa ang naglilinis ng bahay kahit madami naman kayong nakatira. May 1 daughter po ako. 7 months pa lang sya at wala dito ang partner ko, OFW sya. Ang kasama ko sa bahay is ang fam ko. Mama, papa at bunsong kapatid (babae). Ang nakakagalit po ay yung kapatid kong girl, wala po syang work, nag stop sya for almost 5 months at wala din po syang ginagawa sa loob ng bahay, lahing nag phone at hapon na kung gumising. Senior na po ang mama ko at may store kami at yun ang kuhanan ng food namin everyday. Nag papadala din po yung partner ko pero kulang po sa budget dahil daming bills na bayarin at hindi ko na nga po magawang bumili ng ibang clothes ni baby kasi inuuan ko ang bayad sa bahay, kuryente at tubig. Ang gusto ko lang sana ay tumulong yung kapatid ko sa gawaing bahay kasi wala din naman syang work pero nag aaway lang kami lagi kasi araw-araw na ako nag remind na sana tumulong man lang sa paglinis pero wala eh. Kung hindi ko gagawin, walang maglilinis sa bahay. Nakakapagod po talaga mga mi. Yung parents ko pagod din sa pagbantay sa tindahan pero yung kapatid ko parang wala lang sa kanya. Pasensya na mga mi kung masyadong mahaba

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ay nako mi same tayo ganyan na ganyan ang kapatid ko take note dalawa pa sila, halos ako lang gumagawa sa gawaing bahay pati pag aalaga pa ng baby pero ang ginawa ko nagkulong ako sa bahay ng buong isang araw hindi ako nagligpit or nag linis pati pagluluto di ko ginawa nag order lang ako ng pang akin kahit ano wala ako ginawa kaya ang ayun ang nangyari na realize ata nila na andumi ng bahay kaya sila ang kumilos, kasi nakakasawa na palagi nalang ako nagsesermon pero parang lumalabas lang sa kabilang tenga nila kaya ayan sabi ko bahala kayo kumilos sa bahay at di ko gagawin yan mga gawain sa bahay.

Magbasa pa
Related Articles