Pa rant lang po 😔

Mga mi, gusto ko lang mag rant kasi nakakapagod din po mag alaga ng anak tapos ikaw pa ang naglilinis ng bahay kahit madami naman kayong nakatira. May 1 daughter po ako. 7 months pa lang sya at wala dito ang partner ko, OFW sya. Ang kasama ko sa bahay is ang fam ko. Mama, papa at bunsong kapatid (babae). Ang nakakagalit po ay yung kapatid kong girl, wala po syang work, nag stop sya for almost 5 months at wala din po syang ginagawa sa loob ng bahay, lahing nag phone at hapon na kung gumising. Senior na po ang mama ko at may store kami at yun ang kuhanan ng food namin everyday. Nag papadala din po yung partner ko pero kulang po sa budget dahil daming bills na bayarin at hindi ko na nga po magawang bumili ng ibang clothes ni baby kasi inuuan ko ang bayad sa bahay, kuryente at tubig. Ang gusto ko lang sana ay tumulong yung kapatid ko sa gawaing bahay kasi wala din naman syang work pero nag aaway lang kami lagi kasi araw-araw na ako nag remind na sana tumulong man lang sa paglinis pero wala eh. Kung hindi ko gagawin, walang maglilinis sa bahay. Nakakapagod po talaga mga mi. Yung parents ko pagod din sa pagbantay sa tindahan pero yung kapatid ko parang wala lang sa kanya. Pasensya na mga mi kung masyadong mahaba

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nakakapagod talaga yan mommy, pag-aalaga pa lng ng bata, tapos gawaing bahay pa. Huwag mo na isabay stress dyan sa kapatid mo. Huwag ka nang umasa na magbabago yan, kapag nagmature na siguro baka pwede pa pero sa ngayon, there's nothing more you can say or do to make her change. Agree ako dun sa bumukod kung kaya, pero if not, just do what you can. Don't expect anything from your bunso, you can't control other people's actions, only your own reaction. I'm saying this para turuan ka kung paano huwag istressin ang sarili mo. Priority mo si baby, optional na lng ang gawaing bahay-- I hope maintindihan yun ng mga kasama mo para hindi ka nila hanapan ng productive house chores. Kung sakin yan, since bunso would rather act like she's not part of the household, then I'd treat her as such. Bahala sya sa pagkain nya, labahin nya, etc. Asikasuhin mo na lng kayo nina baby at nanay mo.

Magbasa pa
Related Articles