Pa rant lang po 😔

Mga mi, gusto ko lang mag rant kasi nakakapagod din po mag alaga ng anak tapos ikaw pa ang naglilinis ng bahay kahit madami naman kayong nakatira. May 1 daughter po ako. 7 months pa lang sya at wala dito ang partner ko, OFW sya. Ang kasama ko sa bahay is ang fam ko. Mama, papa at bunsong kapatid (babae). Ang nakakagalit po ay yung kapatid kong girl, wala po syang work, nag stop sya for almost 5 months at wala din po syang ginagawa sa loob ng bahay, lahing nag phone at hapon na kung gumising. Senior na po ang mama ko at may store kami at yun ang kuhanan ng food namin everyday. Nag papadala din po yung partner ko pero kulang po sa budget dahil daming bills na bayarin at hindi ko na nga po magawang bumili ng ibang clothes ni baby kasi inuuan ko ang bayad sa bahay, kuryente at tubig. Ang gusto ko lang sana ay tumulong yung kapatid ko sa gawaing bahay kasi wala din naman syang work pero nag aaway lang kami lagi kasi araw-araw na ako nag remind na sana tumulong man lang sa paglinis pero wala eh. Kung hindi ko gagawin, walang maglilinis sa bahay. Nakakapagod po talaga mga mi. Yung parents ko pagod din sa pagbantay sa tindahan pero yung kapatid ko parang wala lang sa kanya. Pasensya na mga mi kung masyadong mahaba

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same situation mii. bunsong kapatid ko rin pero she's still studying in college though di naman sya focus sa studies dahil basta maka pasa lang(minsan nga dipa nakakapag exam dahil sa katamran pumasok ng maaga) dalaga palang ako naapaiyak na ko nyan to the point na tatawid ako ng kalsada ng umiiyak papunta sa tindahan din ng nanay ko para mag sumbong 😂. now hindi ko kinaya yung workload ng household sa bahay at alaga kay baby kaya minsan di ko pinapansin kwento nya pag kinakausap ako although di naman ako nagagalit I just ignore her. pero minasama nya at inaway away nanaman ako kahit nandoon husband ko, first time namin nag sabunutan kaya ang ending lumipat kame. now mother ko naman naiistress jan sa kapatid ko and nag kukwento sya saakin kapag umuuwi ako sa tindahan namin para igala si baby every sunday. Sana lang hindi masagad pasensya ng mother ko sa kapatid kong yon wala pa naman kaming father na 😥

Magbasa pa
2y ago

dapat jan mi pagsabihan ng nakakatandang lalaki, yung tipong di nya kaya sagut sagutin para pasok sa isip lahat ng sasabihin. yung sister ko naman kasi kahit dad ko hindi kinaya dahil malakas loob ng kapatid ko sumagot sagot to the point na kahit nakainom na yung dad ko pero sa inis nya wala pang 1hr nya tinakbo ang san Ildefonso to pulilan bulacan para lang makalayo at magpalamig that night na nag away sila. that happened 1month before mawala dad ko so its so sad for us to think na sino pa kaya pwede mangaral sakanya wala na kaming tatay 😥. sana magbago pa yan mii dahil kung di talaga aayusin eh lalaki silang paurong 😥 parents din natin ang kawawa tumatanda na sila tas may gayan pang sakit sa ulo.

Related Articles