ayaw kumain ni baby

mga mi, anu po kayang pwedeng ipakain kay baby?..ayaw niya kasi ng smash food, cerelac at lugaw😥..haist pa suggest naman mi..salamat in advance..6 months na po siya mga mi.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mommy! ilang months na po si baby? Kami po this month lang din nagintroduce ng food kay baby, 6 mos na po sya nung 12. Napakain ko na po sya ng avocado, banana, apple, peras, kalabasa, carrot, brocolli at rice. Lahat po yan ay durog na durog na parang soup na malapot. Pwede nyo po lagyan ng gatas nya yung mga gaya ng banana at avocado para mas maganda ang pagkadurog. Unti unti lang po sa umpisa hanggang sa nakakaubos na ng mas marami. Paborito po ng anak ko ay banana, avocado at kalabasa.

Magbasa pa
10mo ago

btw.ng 6 months na po siya nung june 16 mi.

VIP Member

Mommy yung mga matitigas gaya ng apple ay inisteam ko muna saka biniblender. Unti unti ay masasanay na rin si baby. If ayaw talaga nyang kumain better po ask nyo si Pedia. Yung mga pagkain po na sinimulan namin ay advise ng pedia.Lahat po iniisteam ko muna maliban sa banana at avocado. Sabi rin po ng pedia ay 1 klase lang ng food kada 3 days para malaman kung may allergy ba sya sa pagkain o wala.

Magbasa pa