cerelac,atbp

hi mga momsh suggest nmn po kayo ano pa pwede ipakain kay baby bukod sa cerelac, ayaw nya kasi ng cerelac, nasasayang lang naitatapon ko lang kasi ayaw nya kainin😔pg natikman nya nasusuka sya!! #advicepls

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello po. based on my experience ngayon po. hindi ko po ina'araw-araw yung pag pakain sa baby ko ng cerelac.. suggest ko po kung bago plng nag 6 months, try muna yung puree foods... Afterwards, ilang months na... try pakain sa kanya : *rice porridge *mashed squash *mashed potatoes *mashed carrots (Ps. in a moderate way lng) *steamed/boiled brocolli (if kaya nya na mag chew konti like my Lo. 8 months na) *biscuits(yung easy to melt in her/his mouth) Ps: pure breastfeeding yung baby ko. 🥰 TAKE NOTE: Lo needs to drink more water afterwards and frequent breastfeeding/ formula feeding. Thanks. just happy to share my experiences po sa kapwa first-time moms. ☺

Magbasa pa
VIP Member

magbigay ka ng pagkain na isang food variety lang buong week hanggang makasanayan nya. sa una unti unti pa talaga kakainin nyan kasi di pa sana. basta avoid salt sugar at anything na pampalasa. maganda daw una ipakain avocado. banana, kalabasa, patatas yung madali i mash sayote

ganan din po si baby.. nung una ayaw nia sayang lang talaga kasi tinatapon lng.. tapos everyday ko p din tinary pakainin c baby ayun hanggang sa nagustuhan nia na.. ngayun po my palitan na patatas kalabasa... minsan sayote..

VIP Member

lugaw tas lagyan nyo 1 tsp vco, haluan mo na rin ng ibat ibang gulay ganadong ganado baby ko nyan. Kung d lang ako work nilulugaw ko lng baby ko sana kaya lang hassle na e prep ng lugaw pag may work kaya cerelac nlang cya

VIP Member

If keri mo mommy practice BLW ung sya lang kakain ng sarili niya without our help meron mga tutorials sa ytube ng pagprepare ng foods nila mejo magastos lang hehe

Same tayo momsh 😅 ayaw din ng baby ko ang cerelac pagkasubo ng isa dumuduwal duwal pa 😂 bigyan mo nalang momsh ng kalabasa o patatas

mas maganda ung mga steamed or mashed fruits and vegies. mas nagiging pihikan kase sa pagkaen mga bata pag nasanay sa cerelac, gerber eh

try to offer fruits and veggies.. kung tatanggihan or hindi agad kakainin, offer lang ng offer kay baby :)

mashed avocado banana. boiled saba banana is sweeter masarap pati ako nagustuhan ko yan try mo sa baby mo

mas okay po pakainin si baby ng vegies and fruits compared sa cerelac. steam niyo lang po vegies.