SUBCHORIONIC HEMORRHAGE

Mga mi, after two weeks of taking Duphaston, nakita sa TVS ko na medyo madami pa din bleeding. Sabi nung OB-Sono, bumalik daw ako agad sa OB ko due to subchorionic hemorrhage. Since wala pa ko budget pambayad ng doctor's fee ulit, okay lang kaya na ituloy ko muna yung Duphaston for another week? Next week pa kasi magkakabudget para makabalik sa OB eh. Wala kasi maayos na public dito samin. 10 WEEKS & 5 DAYS NA PO SI BABY AS OF TODAY.

10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Story Time Last Year nagkaganyan ako Subchorionic Hemo rin, dami ko rin ininom pampakapit pero eventually nakunan rin ako kasi bugok raw un pinagbubuntis ko hindi xa nadevelop gang 6wks lang xa... Tapos this year April nag PT ako 2 lines positive, then nagpa Trans V ako sabi walang laman tiyan ko tapos may dugo pa ko nun pagka Trans V sakin so akala ko Mens ko na un, then pagdating ng May dinugo ulit ako for almost 4wks inabot ng June 6 tuloy2 na dugo akala ko Hormonal Imbalance lang kasi nga nag stop ako magpills eh kaya ganon katagal regla ko... then June wala akong dugo, 2nd wk ng July nagdecide ako mag PT and positive ulit, 3rd wk nagpacheck up ako... To my surprise kasi ang ini expect ko is 8-9wks pa lang ako, lumabas sa utz na 13wks 5days na ako... Which means April pa lang buntis na nga ako... currently at 31wks now 😅 eto un pic ng dugo ko last May 29 nun nag CR ako*

Magbasa pa
Post reply image
12mo ago

unexpected blessing po yan. congrats mhie. ♥️

VIP Member

Hi ma, ganyan din nangyare sakin sa first baby ko. Nagka subchorionic hemorrhage din aq nung first tri, pinagbedrest aq ng two weeks, kaso pagkabalik ko meron padin, kaya ending nag resign nlang ako. Two months din aq nag duphaston tsaka duvadilan, sakit sa bulsa😅 aun bedrest tlg ginawa ko at iwas stress ma. Pero bat ganon, ung isang kawork ko, may ganyan den, di sya uminom pampakapit kc takot sya, nagpa second opinion sya sa ibang ob, sabi normal daw un kc parang un daw ung mga tirang dugo nung fetus pa. 🤔 Okey nman na ung baby sa tiyan nung kawork ko, 7months nman na.

Magbasa pa
12mo ago

True. Kaya nga bilib aq sa kawork ko hindi tlg ininuman ng pampakapit.

mi, please understand ung mga nagcomment sa post mo is nagshare lang ng experiences nila but doesn't mean pareho kayo ng magiging situation. Possibleng ok ka pero ung baby sa tiyan mo hindi na kaya makinig ka po sa OB mo. If namamahalan ka sa current OB mo, try mo maghanap ng mura sa iba like sa mga clinic o lying in kasi sa private hospital mahal talaga. May mga public hospital or health center din naman nagpapaultrasound ng libre (sabihin mo kunwari dun mo gusto manganak🤣), tiyaga lang sa pila.

Magbasa pa

Magagawan lang po ng paraan ang pera pero ang need na immediate treatment for you and baby, need mo iprioritize. Kung pinapabalik po kayo, bumalik po kayo agad. Huwag nyo po idelay mga advices sa inyo ng OB kasi the more nadedelay, mas nagiging lower po chances ng treatment na sana naibigay prior to subsequent results. Mas mainam na po na walang pagsisisihan, Mommy.

Magbasa pa

Ako po nagkaganyan din pagka transv sakin. Pinagtake ako ng duphaston. After ilang weeks, nagpa second opinion ako. Sabi lang sakin ng ob mawawala din daw yun, kaya di na nya ako pinagtake ng kahit ano gamot. Ayun, nawala din naman. So far ngayon I’m 25 weeks preggy na, super likot ni baby sa tummy.

balik po kau agad sa OB para maresetahan po kayo ng ibang gamot n pampakapit..meron po gamot na nilalagay direct sa vagina..mas effective po gamot kasi ng sub chronic din ako..gumaling nung 10 weeks na preggy..agapan nio po

VIP Member

Nagka ganan din ako nung 1st trim pero nawala din advise sakin ni ob duphaston minsan diko naiiinom tapos hnd din ako nagbedrest pero nawala din yun nung mga 2nd trimester nako

Hindi ka po nag bedrest? Mine po is ganyan din duphaston 3x a day, duvadilan 3x a day din po and utrogestan vaginal insert before bedtime.

Bed rest ka lang po mommy mawawala din yan

same case tayo sis