Subchorionic Hemorrhage

May subchorionic hemorrhage po ako nung nag ultrasound nung 6 weeks. Then nagreseta lang po ang ob ko ng Duphaston 3x a day pero di ako nirequire magbedrest since wala daw po akong spotting at pananakit ng puson. May same case po ba sakin dito? Next ultrasound ko po sa Friday, 8 weeks.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same case po sakin at 5weeks nakaduphaston, duvadilan at heragest ako then complete bed rest din ako. Ngayong 8 weeks na po wala na pong sch naubos na thank God continue nyo lang po ang meds nyo saka complete bed rest talaga. Tiis lang po talaga mawawala din sya kailangan lang po na maagapan

10mo ago

Hindi po ako pinagbedrest ng ob ko. Meds lang po.

same case po tayo, di rin ako pinagbedrest kaya nakakapasok pa ako sa work.

10mo ago

ano daw po cause ng SCH nyo? ako po kasi due to UTI, wala din po spotting kaya pinayagan na po ko magwork kahit may bleeding pa po. pero before that po naka bedrest ako ng 1 month.