Pakielamerang tyahin ni hubs.
Mga mga mamsh! Yung iba ang problema eh yung mother ni hubs, ako ang problem ko yung tyahin ni hubs. Never kaming nakitira sa both sides namin simula nung kinasal kami ni hubs. Pero yung tyahin nya always may say sa mga ganap namin sa buhay like sa pagbubuntis ko, sa ospital na pinagpapacheck upan namin may issue dn sya, sa mga gamit namin sa bahay, sa sahod at bonus namin, sa inupahan namin, sa wedding namin dati. December 1, lumipat na kami sa condo na kinuha namin, walang nakakaalam sa side ni hubs kung san kami nkatira, ngayon nalaman nila na lumipat kami dahil panay na punta sa inupahan namin dati. Pero wala pdin sila idea na sa condo kami. Ang nakakainis ngayon pilit nyang inaalam kung san kami nkatira at ang dami nnmang pinagsasabi na di naman dapat nya pakielaman, imbis na maging masaya sya dahil ung pamangkin nya may naaachieve, parang pilit nya kami hinihila pababa at sya lang ang makaangat sa pamilya nila. Pati sa bahay ng parents ko pumupunta sya pra makibalita sa buhay naming mag asawa, dna dn sya ineentertain ng mother ko at alam na nila ang ugali. Ano ba magandang gawin? Patulan ko nba sya or pagpatuloy lang namin na di sila kausapin.