STRESS KAY TITA (1)

Mga mamsh.Sobrang stress ko ngayon, mag aalas dos na di p rin ako makatulog sa problema ko. Ganito kasi, yung tita ng asawa ko na dating nagmamanage ng bakery gustong bumalik. Nung silang mag asawa pa ang nagmamanage, nung unang mga taon okay naman ang kitaan nasa 60k/month pa po ang net, pero after 5 years unti unti po itong humina at palugi na. Kumikita nalang po ito ng pinakamataas na net nasa 20k ,kung minsan lugi pa. Pag aari po ito ng magulang ni hubby at ipinamanage lang sa tito at tita niya since nasa bayan sila at nasa munisipyo ang bakery. Yung lalaki po ang kapatid ni Mother in law. 6 months ago nagpakasal po kami ni hubby at ipinasa na sa akin ang pamamahala, si tita po ginawa nlang cashier at yung sweldo niya po noon bilang manager na dinadagan niya ng di alam ni MIL ginawang kalahati nalang dahil cashier nalang naman siya at mas magaan na ang trabaho niya at mas maiksi na rin ang oras ,isa pa hindi naman nila napamahalaan ng maayos ang bakery. Yung kuya po ni MIL walang halos ginagawa pero may sweldo, tulong nalang sa kanila ni MIL kasi matanda na si tito at sakitin wala ng ibang tatanggap sa kanya. Kaya lang nung binawasan sweldo ni tita nagtampo po siya at umalis, kaya kumuha ako ng kapalit niya as cashier at okay naman kami ngayon. Nung ipasa sa akin wala po halos pera ang bakery nasa 30k+ lang ang naiturn over sa akin. Walang halos mapaikot na puhunan at sira sira na ang mga gamit. Walang maintenance. Nung ako na ang nagmanage unti unti ko po itong inayos, dinagdagan ang mga paninda kinausap ang mga empleyado, tinanggal ang mga pasaway at naglagay ng CCTV, computerized na rin po ang mga records namin. Unti unti tumaas ang sales namin at Sa ngayon po kumikita na ito ng 80k/month, linis na. Graduate po ako ng BSBA-Marketing Management at may experience na sa work pero di na ko nag apply at focus nalang sa bakery. Si hubby may ibang business din hawak galing sa papa niya kaso palugi na rin po dahil nagkaroon ng krisis sa agricultural industry kaya sa bakery talaga kami umaasa mag asawa ngayon. Kaso ngayon po gusto na namang bumalik ni Tita at nagugulo po ang sched nila. Maselan po kasi siya sa trabaho, dapat sa kanya yung nakaupo lang dahil sobrang taba niya po at nahihirapan na siyang kumilos, konting galaw hinihika po siya at naoospital. Since Padecember naman po gusto ko sanang gawing 4am-8pm ang bakery para maging dalawa ang shifting nila ng cashier hati sila sa sched ang kaso po di niya na daw kayang bumangon sa madaling araw ng maaga kaya di sya pwede sa morning shift,di rin siya pwede sa panggabi kasi malayo bahay nila. Gusto niyang sched katulad noon 9:00am-5:00pm w/c is hirap naman po kasi di pantay ang hatian. Buti Pumayag ang cashier ko na gawin siyng broken time since stay in namn siya kya shifting nila now e 4am-8am(cashier 1) 8am-4pm(Tita) 4pm-8pm(cashier 1) okay na sana kaso pano ko siya maifix e palaabsent nga siya at sakitin,baka bigla siya umabsent walag tatao sa oras niya.Sabi pa ni MIL payagan lang daw na bumalik kasi di rin magtatagal for sure na mas nagbigay sa akin ng problema kasi kung aalis nga siya soon magbabago na naman ang sched.Hays. Nabibigatan po ako na ibalik siya, malaki pa po utang nila sa amin 50k+ pa , di nababawasan at alam namin di na nila mababayaran. Ayaw ko na madagdagan kaso pag nasa bakery sila panay ang cash advance pag nakita nilang may benta. 36yrs old lang po si tita at 50+ si tito ,almost 20 yrs ang age gap nila at wala silang anak pero maluho sa gamit at pagkain kaya walang ipon at mga sakitin pa, pag may problema sa amin timatakbo. Ano po bang gagawin ko? 3 months preggy po ako ngayon at nasstress po talaga ako,naaawa ako sa baby ko gusto ko umuwi sa nanay ko kaso di ko rin kaya mahiwalay kay hubby. Nawalan na ako ng gana sa bkery at gusto ko nalang ibalik sa tita niya yung pagmanage para wala na ko problemahin pa bahala na sila,kaso siguradong lugi na nman at kami din mawawalan.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Stay strong lang and be firm sa decisions mo. If ikaw na nagmamanage nung bakery kausapin mo ng maayos yung Tita mo na madaming arte sa buhay. Tell her na kung mag aabsent siya, the day before siya mag sabi or 2 hours before ng shift niya mismo para alam mo kung paano mo imamanage yung tao na papasok sa shift na yun. Tapos yung tao mo na isa sa cashier baka pwede mo siya pakiusapan na idagdag nalang sakanya yung araw na mag eextend siya ng work. Kung okay lang naman sakanya. Ngayon, si Tita na tamad, since may utang pa siya sainyo, pwede mong iopen up na ibabawas sa sweldo niya yung mga pera. For cash advancement naman, wag kang payag ng payag. Alam kong medyo mahirap kasi kapamilya pero dapat mo ring paliwanag sakanya na kailangan niyo magpaikot ng pera para sa bakery. If di mo siya makakausap either si LIP or si MIL ang kumausap sakanya. Better din kung sasabihin mo sakanila. Lalo na buntis ka. If mababasa nila itong post mo, maiintindihan ka naman nila for sure. Tsaka ginagawa mo naman yan para sa ikabubuti ng bakery ninyo. Wag mong bitawan kasi sayang. Para sa baby mo na rin yan. Mahirap pag wala kang mapag kukunan.

Magbasa pa
5y ago

Ang problema din kasi sis since sina MIL pa rin ang may ari at nasanay sila sa ganung style na lagi silang sinasalo, namihasa na sila at umabuso. Kay MIL po siya directly nagpapaalam at si MIL hindi sila mahindian kahit galit na nga siya pero di niya matiis ang kuya niya. Nung magpakasal po si tito kay tita may edad na po talaga si tito at matandang binata na malapit na siya mgforty at si tita 18 lang pero grabe yung pagmamahal sa kanya ni tito hindi siya pinakikilos ng gawaing bahay. Luto, hugas ng plato, linis ng bahay lahat po kay tito,sa paglalaba naman yung nanay po ni tita naglalaba para sa kanila. So si tita works lang sa bakery na nakaupo lang talaga gawain niya at matakaw siya talaga sa softdrink kaya niya umubos ng 2.25 na pepsi sa isang araw, wala pa yung sa gabi kaya from slim ngayon sobrang laki na po niya talaga . "Taba" na nga ang tawag sa kanya ng nga customers, wala silang anak kasi may diperensya na si tito. Isang araw bigla nalang tumawag si MIL at nagsabing babal