Morning sickness/ All day sickness
FTM here. 12th week ko na po bukas pero hanggang ngayon malala pa din yung all day sickness ko. As in kahit anong kainin/inumin(even water), naisusuka ko talaga. Umaabot na sa point na wala na laman tyan ko nagsusuka pa din ako. Hndi ko na po alam gagawin. 😩
normal po yan,ganyan din ako hanggang 2nd trim ko🤢🤮.. sobrang hirap talaga.. tiis lang'.. try mo po magkendi ng ice, para kahit pano nakakainom ka ng water. ganyan din ako, kahit ano kainin at inumin ko noon, inilalabas ko din.medyo kumakalma yung sikmura ko kapag nagkekendi ako ng ice cube. then, pakagat-kagat lng ng paunti-unti ng biscuits o fruits..
Magbasa payes mie , ganyan din ako nung month of september, Lahat ng kainin or inumin ko isusuka, as in suka after kumaen, halos walang laman din ung sikmura ko, Gawin po mie, inom ka ng maligamgam na tubig tuwing umaga, then kaen ka kahit konti, tapos more on saging ka muna. tapos gawin mo pong snack ung ice/yelo , ganyan po ginagawa ko.
Magbasa paSame me 19 weeks na saken nung totally nawala. Ang ginagawa ko nun kaen pa din onte kahit isuka ko okay lang mas mahapdi kasi sa tiyan pag nagsuka na walang laman. Tiis tiis lang me.
normal lng yan mii ganyan din akonhanggan 4months. mag fruits ka mii or breads. mag maternal milk ka yan yung ginawa ko. kasi sinusuka q rin even rice. twice a day maternal milk
Baka hyperemesis gravidarum na yan, consult your OB baka may mareseta siyang gamot or mabigay na tips. Delikado din ang excessive na pagsusuka baka ma-dehydrate ka.
eat skyflakes mi pra may laman tyan..sobrang lala din po ng morning sickness ko.. ganyan din po ko.. tsaka po ung gingerbon na green pra lang iba lasa
wala na halos tinatanggap tyan ko eh. kahit crackers, suka pa din tlaga.
Hi mommy, It's part of the pregnancy po talaga. Best is to drink luke warm water and eat po kahit paunti-unti baka ma dehydrate ka.
Hello po, ganyan din po ako. umabot ng 2nd tri ang hilo at suka ko. May nireseta sakin si OB na parang vitamins din, after ko uminom nun, un halos less than 10x a day kong pagsuka naging once and eventually nawala na. Ask your OB po baka may maibigay din siyang vitamins/gamot na mahiyang po sayo..
it's ok basta kaya, just rest and drink water.. same here, full 1st trimester experience... you'll feel better and back to normal appetite on your 2nd trimester mamshie
Pag wala lalong laman ang tyan dun nakakasuka try mo kahit konti lng.
naging normal na po yan sakin, sobrang lala ng symptoms ko.
nakakapang hina na po kasi tlaga eh.