Biyenan

Hello mga mamsh, yung mama ng lip ko kasi sya nag representang bumili ng milk ni baby namin .kasi unang apo daw pero palaging nag paparinig na halos sya lang daw palagi bumibili ng gatas . Nagpapasalamat naman ako sa kanya kahit papano ma babawasan gastos namin ni lip kaso ayaw ko ng parinig . Kung tutulong sana tulong lang di yung paparinggan ka palagi. Masakit din sa part ko kasi full time housewife ako wala akong perang pang bili ng gatas ni baby. Kada sasabihin ko naman hinanakit ko sa lip ko yung mama nya kinakampihan nya kasi mama's boy din sya. Di ko na po kasi alam gagawin ko .? Iniiwasan ko narin mag pakastress kasi 11 days pa lang akong nanganak natatakot rin akong mabinat. Any advice naman po ?

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Grabe nmn po yan 11 days pa lng nmn kayo ng baby niyo makapagparinig na sya lagi bumibili ng gatas kala mo nmn ilang taon na baby niyo. Dpat po kc binibigyan ka din ng pera ng lip nio d nmn po pwede na porket nasa bahay ka e d ka na nya pahahawakin ng pera. Syaka baka mamaya ung lip nagaabot din sa mama nya pambili ng gatas tapos sinasabi lng nya na sya palagi bumibili. D po ba kayo nagpapabreastfeed mommy? Maganda din po kc kung nagpapabreastfeed kayo kahit d bumili ng gatas okay lng kasi meron kang sariling supply ng milk.

Magbasa pa
4y ago

Bakit pinagbabawalan ka ng MIL mo magbreastfeed daw mommy? Dapat your baby your rules. Kausapin mo LIP mo po. Wala ba siya iba kapatid na mahingan mama niya? Dapat kayong mag ina priority niya, kung may extra xka na magbigay sa mga magulang. Sa totoo lang ndi obligasyon ng anak sustentuhan ang magulang lalo kung pamilya nyo nman dehado. Okey lang magbigay pero dapat pinag-uusapan ninyo. Tingin ko nasa LIP mo problema. Pagpasensyahan mo nlang mommy and konting tiis pa. Di bale nabanggit mo nman na babalik kdn sa work. Pero huwag mo hahayaan na MIL mo nasusunod sa pagpapalaki ng anak mo.