Selfish ba talaga siya or OA lang ako?

Hi mga mamsh! Please hear me out po, may 4months old na baby po kami. Napapansin ko po palagi na tuwing nagigising o nag iiyak si baby sa gabi or kahit hapon naiinis LIP ko, maingay at maarte na daw si baby. Hindi naman kasi kaagad napapatahan ang baby di ba? Patagal ng patagal lumalabas ugali ng LIP ko, sobrang dalang nya lang ako tulungan kay baby and take note wala po siyang trabaho nakikitira lang kami sa kanila, e gayunpaman kahit andito kami mama ko pa din nag susupport sa akin at baby ko(From diapers to essential needs) so ayun na nga pag andun kami sa amin pinapadali nyaa kami ng uwi saknila sa totoo lang ayaw ko na umuwi sakanila kasi di naman nya ako natutulungan at parang others ako kahit anong approach ko sa kamag anak nya and bukod dun mas nagiging tamad siya di man lang magsikap maghanap ng trabaho. Ngayon naman gusto ko sana magpamassage dahil pagod na ang katawan ko kabubuhat kay baby may scolio pa ako, pero sabi ng LIP ko siya na lang daw magpahilot dahil masakit din katawan nya at siya na lang ang maghihilot sa akin para makatipid daw kami. Naiinis ako kasi iba yung pagod ko sa pagod nya. Hindi biro mag alaga ng bata. Eto pa napapansin ko tuwing may family matter kami ni mama tapos nalaman nya parang dinodown nya si mama like "kilala ko si tita, tipid yun pag dating sainyo pero sa jowa at family jowa nya maalwa sya" oo alam ko naman na may issue din ang mama ko may mga desisyon sya na medyo baluktot pero between samin na yun at sino siya para ijudge ang mama ko. Actually willing ang mama ko tulungan sya maghanap work at gastusan sya dahil di naman na siya iba kaso sabi ng LIP ko nahihiya daw sya at mahirap na daw magkautang na loob. Iniisip ko naman para din naman saknaya at sa amin yun kasi family na kami e need na mag ipon. Sa totoo lang d ko alam pero patagal ng patagal natuturnoff ako sa ugali nya. Si baby lang talaga iniisip ko. Parang gusto ko na lang magsakripisyo at ako na lang magtratrabaho tutal wala naman ata syang balak.. #1stimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby #firstmom #problemamagasawa #randomtalk

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Alam mo mi? yung ganyang klaseng mindset ng isang lalaki, wala kayong kinabukasan ng baby mo. Ako nga expected ko sa LIP ko, tamad, walang pakialam pero nung nalaman namin parehas na buntis ako, araw mismo nayon nag apply sya ng trabaho, lumuwas para sa mga interviews at ngayon 14 weeks nako preggy, 14 weeks nadin sya sa trabaho awa ng dyos sa pagtatyaga nya mag apply araw din na yon kinabukasan pinapasok na sya. Ang lalaki mi if sincere at gusto kayo bigyan ng magandang buhay ng anak mo, kahit di ka mag salita kahit di mo utusan, gagawin ang lahat ng makakaya nya. Tho pwede mo naman sya kausapin mi, sabihin mo mga rants mo sakanya na hindi na sya binata para umasta ng ganyan. Pati pag iyak ng bata kinaiirita nya? yung iba nga dyan sa totoo lang nangarap magkaroon ng isang anak, maswerte sya isa sya don pero ganyan asal nya? nakakahiya. Dapat alam nya ang responsibilidad nya sainyo ng anak mo dahil hindi biro ang mag alaga ng isang sanggol. Kung ako asawa nyan, sinampal ko na ng katotohanan. chariz. cheer up mi, if kaya magbago nyan mababago pa yan basta tulungan nya sarili nya na pagsikapan kayong mag ina nya. Pero mi, PAG AYAW MAG BAGO NG LIP MO, MAG BAGO KA NG LIP!

Magbasa pa
4y ago

Well-said, mi! Silent reader here and currently struggling sa LIP ko. Kakagaling ko lang umiyak kagabi at parang gusto ko ng magshutdown. Almost 3 weeks na kami di nagkikita and wala man lang sinasabi o paramdam na uuwi sya o magsabi kahit plano man lang kung anong balak nya. Pareho kaming walang trabaho at the moment at nasa kanya-kanyang poder muna ng pamilya para wala din kaming iniintindi at iniisip. Mahirap sobra kasi iba pag magkasama kayo. Iba yung presensya—ramdam mo yung suporta (morally and socially). Tapos I even caught him following women sa social media—yan lagi pinag aawayan namin. Babae. Nakakapagod na. Kung emotional na ako dati, mas dumoble pa ngayong pregnant ako. Never ending insecurities. Nilalabanan ko almost everyday pero dumadating sa punto na you feel something strange and different. Malakas instinct natin mga babae kaya hinding hindi ako maloloko. Kaya I always pray na lang and leave it all to God. Light and love. ✨