Selfish ba talaga siya or OA lang ako?

Hi mga mamsh! Please hear me out po, may 4months old na baby po kami. Napapansin ko po palagi na tuwing nagigising o nag iiyak si baby sa gabi or kahit hapon naiinis LIP ko, maingay at maarte na daw si baby. Hindi naman kasi kaagad napapatahan ang baby di ba? Patagal ng patagal lumalabas ugali ng LIP ko, sobrang dalang nya lang ako tulungan kay baby and take note wala po siyang trabaho nakikitira lang kami sa kanila, e gayunpaman kahit andito kami mama ko pa din nag susupport sa akin at baby ko(From diapers to essential needs) so ayun na nga pag andun kami sa amin pinapadali nyaa kami ng uwi saknila sa totoo lang ayaw ko na umuwi sakanila kasi di naman nya ako natutulungan at parang others ako kahit anong approach ko sa kamag anak nya and bukod dun mas nagiging tamad siya di man lang magsikap maghanap ng trabaho. Ngayon naman gusto ko sana magpamassage dahil pagod na ang katawan ko kabubuhat kay baby may scolio pa ako, pero sabi ng LIP ko siya na lang daw magpahilot dahil masakit din katawan nya at siya na lang ang maghihilot sa akin para makatipid daw kami. Naiinis ako kasi iba yung pagod ko sa pagod nya. Hindi biro mag alaga ng bata. Eto pa napapansin ko tuwing may family matter kami ni mama tapos nalaman nya parang dinodown nya si mama like "kilala ko si tita, tipid yun pag dating sainyo pero sa jowa at family jowa nya maalwa sya" oo alam ko naman na may issue din ang mama ko may mga desisyon sya na medyo baluktot pero between samin na yun at sino siya para ijudge ang mama ko. Actually willing ang mama ko tulungan sya maghanap work at gastusan sya dahil di naman na siya iba kaso sabi ng LIP ko nahihiya daw sya at mahirap na daw magkautang na loob. Iniisip ko naman para din naman saknaya at sa amin yun kasi family na kami e need na mag ipon. Sa totoo lang d ko alam pero patagal ng patagal natuturnoff ako sa ugali nya. Si baby lang talaga iniisip ko. Parang gusto ko na lang magsakripisyo at ako na lang magtratrabaho tutal wala naman ata syang balak.. #1stimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby #firstmom #problemamagasawa #randomtalk

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Iwanan mo na yan mommy habang maaga pa. Kawawa kayo mag ina diyan. Dun ka nalang sa mother mo. Iba pa din kapag pamilya mo ang kasama mo. Napaka nega ng LIP mo. Mas okay na mapagod ang katawan kesa pagod kna nga, wala kpang peace of mind.

for me don ka nalang muna sa mama mo, aanhin mo yung asawa mo kung nagiging pabigat din sayo pero choice mo padin yon pero don sa mama mo mas less stress mo sa asawa mo

TapFluencer

Hiwalayan mo kapagka ganyan atleast me anak kana. Kung sakin ok na wla ako partner basta me anak ako.

isauli mo nalang sa nanay niya momsh. sarap sampalin !