Nanghingi ng number ang asawa ko

Mga mamsh gusto ko lang ilabas sama ng loob ko. Kanina lang binuksan ko messenger ng asawa ko may nakita ko kachat siya babae di ko alam kung sino yun magkakilala ata sila. inadd siya nung girl then nagkachat sila, kamustahan, ganern, ang nabasa ko dun diko nagustuhan sabi ng girl wala pa siya asawa, sabi naman ng asawa ko "baka inaantay mo ko, sa ganda mong yan" tapos nabasa ko pa hiningi ng asawa ko number nung girl sabay bura ng asawa ko ang convo nila. bakit kailangan niya hingiin ang number nung girl tapos binura pa niya convo nila. hindi ko na sinabi sa asawa ko na nabasa ko convo nila. hindi ko siya pinapansin, pinaparamdam ko lang na galit ako. ano kaya maganda gawin sa asawa ko! bwisit siya!

77 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hiwalayan mona yan, mga ganyang lalake sakit sa ulo. Sa totoo lang malaki din advantage ng single mom. Aside sa maaalagaan mo na anak mo maaalagaan mopa sarili mo. Ano yun? Matapos mo pagbigyan asawa mo, asikasuhin. Tatarantaduhin ka lang. Putlag itlog na beee hahahaha char

Considered na po yan as cheating. If married kayo, let him know as early as now na pag di sya tumigil, magreresort po kayo sa legal na paraan para pareho sila ng babae na malintikan. Kung hindi po kayo married, nasa sayo na po kung gusto nyo pang magstay sa kanya.

Mainam kausapin mo sis.. para lam nya nararamdaman mo ganyan gngwa ko sa partner ko e di pa naman sya nagloloko at d pa nya yan gngwa kahit panu may takot. Yan asawa mo sis tingin ko walang kakuntentuhan, walanh respeto sayo ee d na inisip mararamdaman mo..

Anong dapat gawin sa mga babaerong katulad ng asawa mo?? Putulan ng ari mga bwisit na yan ang dami kong nababasang ganyan dito sa app mga unfaithful na asawa kagigil. P.S: wala po akong karanasan na maloko 😁 galit lang ako sa mga lalaking ganyan.

relate.. bwisit talaga yang mga asawang ganyan.. alam na alam mong my kalokohan na gagawin, delete convo talaga. akala nila hindi mo nababasa.. kagigil. 😠 tapos kapag nagsave ng number, name ng lalaki ang ilalagay para hindi halata.. πŸ˜‚πŸ˜‚

itanong mo sabihan mo siya sis ksi kapag tumagal pa yan baka kung saan pa umabot yan baka magkita pa yan ng palihim kaya kung ako sayo hanggat maaga pa komprontahin mo na yang asawa mo,nakoo nanggigigil ako sa gnyan mga di makontento sa asawa.

Mukang long time friend nya ung girl or maybe ex nya..basta nag bura ng ganong message mins my something..better to confront him and ask him directly...baka sakali lng n my better explanations sya...dama mo nmn yan kung nag sisinungaling sya

Red flag momsh. Babaero asawa mo 😭 try mo kausapin.. ako kasi di ako sanay sa asawa ko na ganyan sa ibang babae kasi di nga siya ganyan sakin kahit nung ng/gf palang kami kaya mahahalata ko agad kapag may iba o may dinidiskartehan.

Sapakin mo mamsh. Hahaha. Kagigil. Pero totoo, komprontahin mo po. Asawa ka e, karapatan mo magalit. Mali un e. Kung ganyan gawin ng asawa ko wala nang pagdadalawang isip sapakin ko pa agad ah πŸ˜‚πŸ˜‚ kaso mabait asawa ko ..

Sabihin mo sa asawa mo.. "ngayon ko lang nalaman na single kapala? Kelan pa" "nakuha mo na ba yung number" prangkahin mo sis. Laban.. babae tayo sis dapt hindi tayo papatalo..