Nanghingi ng number ang asawa ko

Mga mamsh gusto ko lang ilabas sama ng loob ko. Kanina lang binuksan ko messenger ng asawa ko may nakita ko kachat siya babae di ko alam kung sino yun magkakilala ata sila. inadd siya nung girl then nagkachat sila, kamustahan, ganern, ang nabasa ko dun diko nagustuhan sabi ng girl wala pa siya asawa, sabi naman ng asawa ko "baka inaantay mo ko, sa ganda mong yan" tapos nabasa ko pa hiningi ng asawa ko number nung girl sabay bura ng asawa ko ang convo nila. bakit kailangan niya hingiin ang number nung girl tapos binura pa niya convo nila. hindi ko na sinabi sa asawa ko na nabasa ko convo nila. hindi ko siya pinapansin, pinaparamdam ko lang na galit ako. ano kaya maganda gawin sa asawa ko! bwisit siya!

77 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Naku kausapin mo na yan wag mo ng hintayin na lumala pa yang paghingi hingi ng number na yan mas nakakagalit na yun..ang harot nila pareho nakilala nya na yan at nakausap ng personal kaya mabilis nyang nkuha ung number.

VIP Member

Kausapin mo sya mamsh ng masinsinan. Nung ako ganyan din kaso sa ex nya, kinakamusta na nya, nabasa ko convo nila hanggang kamustahan lang naman kaso ex yun eh kaya nagalit ako talaga sa asawa ko inaway ko sya talaga.

You have to let him know na alam mo yung ginawa niya. Confront him but be calm. Kapag kasi pinaramdam mo lang na galit ka, baka hindi niya ma-connect dun yun. Sana maging maayos ang pag uusap niyo. Be strong, sis.

VIP Member

Kausapin mo momsh, walang mangyayare kung di mo ioopen sakanya ung nabasa mu. Pagusapan nyo, sabihin nu na aware ka dun sa pakikipagchat nya sa gurl na un, ask mo bat need pa nya kunin no. At bat need pa burahin.

kausapin mo na ang asawa mo tungkol sa nabasa mo. hanggat wala pang namumuong relasyon sa kanilang 2 ay agapan mo na. malandi yang asawa mo sis pcenxa na. ipakita mo sa knya na ayaw mo na niloloko mo siya.

Maganda momsh ibring up mo sa kanya then tell him na hindi okay sayo yun. Maski ako magagalit pag ganyan. Pwede naman mag usap sa messenger pero kinuha pa yung number, baka may gustong itagong conversation sayo..

5y ago

Momsh feel ko mas masstress ka if mahuli mo na sila na may iba na na pinag uusapan saka habang naghihintay ka na magstart sila magtext baka maparanoid ka. Better tell him nalang kaagad.

VIP Member

Hays mamsh kitang-kita naman sa convo na nilalandi ng asawa mo yang babae. Habang maaga aksyunan mo na. Wag kang tatahi-tahimik dahil magtutuluy-tuloy lang gawain nyang mga yan. Maging matapang ka mamsh

VIP Member

sbhin mo nkita mo mamsh bka kala nya tanga ka. pra alam nyang wais ka ayus ayusin nya pngloloko nya. wag sya kamo ppahuli. pg nhuli mo mgtawag ka ng dto sa TAP ng mapag planuhan yang malalantod na yan.

Better talk to your hubby po. And kapag maguusap po kayo yung parehong lang kalmado ang bawat isa at magfocus sa resolution para di na lumaki. Mas masarap pa din po ang buo ang pamilya. God bless po...

Mas maganda kausapin mo girl kasi s mga lalake wa epek ang hindi pagpansin s kanila maganda on d spot agad wala ng maya maya o pagisipan pa kaw lang masstress s mga lalaki di uso stress hehe