Hi mga mamsh. Good day sa inyong lahat. I just wanna share how I'm feeling right now na malapit na ko manganak. I'm almost 40 weeks pero di pa din humihilab tiyan ko kahit nagtetake na ko ng evening primrose. Inip na inip na po ako makita si baby.
Through out my pregnancy, ni piso di ko hiningan yung partner ko ng panggastos. Ultimo pangmonthly check ups, vitamins, ultrasounds at ngayong weekly na check up ko pati mga biniling gamit namin ni baby sa savings ko bago ako magleave kinuha. We're both working, isa siyang gov't employee pero mababa ang item niya kaya mababa din sahod niya at hindi siya regular kaya iniintindi ko na lang din. Hindi ako actually sure magkano ang sinasahod niya kasi since naging kami, di ko naman pinapakialaman ang pera niya. Pera niya, pera niya. Katwiran ko may work naman din ako eh.
I love him. Yun ang mahalaga sakin. Saka hindi naman niya ko tinakbuhan nung malaman niya na buntis ako.He's happy na magkakaanak na kami. Kahit unplanned talaga. We're on the right age naman na to have kids and settle down. Pero di ko siya inoobliga na pakasalan ako agad. Si baby muna ang intindihin namin sa ngayon. As of now sa kanila na ko nakatira mula nung magleave ako from work 3 weeks ago.
Nalulungkot ako kasi nababawasan yung savings ko na nakalaan para kay baby sana. May pinapaalaga din kasi akong baboy sa probinsya at obligasyon ko din magbigay ng pangkain nun sa kapatid ko twice a month. At ang ikinalulungkot ko, dun ko siya kinukuha sa savings ko.
Nagsabi ako sa mga kapatid ko na hindi na kaya ng powers ko. 3-4 na bigay pa daw ang obligasyon ko para sa baboy na paalaga bago ibenta.
Hindi ako makapag open up sa partner ko about sa baboy na paalaga ko na baka kulangin budget ko at nababawasan yung savings ko for baby. Hindi naman siya nakikialam din sa pera ko. Pero ang alam niya may pera nga na nakalaan sa panganganak ko kahit ano mangyari.
Sinosolo ko ang obligasyon. Damang-dama ko. I'm getting sad dahil hindi ako sanay na umaasa sa iba. I've been independent since I was 14 years old. Ako nagpaaral sa sarili ko mula 2nd year highschool ako hanggang magCollege.
Tapos ngayon. Hirap na hirap ako magpaobligasyon sa iba. Wala lang. I'm getting sad and wala akong mapagsabihan.
Sinabihan pala ko ng mga kapatid ko na bakit ako ang gumagastos at nag-iintindi para sa panganganak ko. Bakit daw hindi ang partner ko? Sinabi ko na lang na hati kami sa gastos kahit totoo, pera ko lang talaga lahat yun. Ayoko lang ijudge nila partner ko. Mabait naman kasi partner ko. Maalalahanin.
Napapahaba na ito. Putulin ko na mga mamsh. Thank you sa pagbabasa.