I'm getting sad

Hi mga mamsh. Good day sa inyong lahat. I just wanna share how I'm feeling right now na malapit na ko manganak. I'm almost 40 weeks pero di pa din humihilab tiyan ko kahit nagtetake na ko ng evening primrose. Inip na inip na po ako makita si baby. Through out my pregnancy, ni piso di ko hiningan yung partner ko ng panggastos. Ultimo pangmonthly check ups, vitamins, ultrasounds at ngayong weekly na check up ko pati mga biniling gamit namin ni baby sa savings ko bago ako magleave kinuha. We're both working, isa siyang gov't employee pero mababa ang item niya kaya mababa din sahod niya at hindi siya regular kaya iniintindi ko na lang din. Hindi ako actually sure magkano ang sinasahod niya kasi since naging kami, di ko naman pinapakialaman ang pera niya. Pera niya, pera niya. Katwiran ko may work naman din ako eh. I love him. Yun ang mahalaga sakin. Saka hindi naman niya ko tinakbuhan nung malaman niya na buntis ako.He's happy na magkakaanak na kami. Kahit unplanned talaga. We're on the right age naman na to have kids and settle down. Pero di ko siya inoobliga na pakasalan ako agad. Si baby muna ang intindihin namin sa ngayon. As of now sa kanila na ko nakatira mula nung magleave ako from work 3 weeks ago. Nalulungkot ako kasi nababawasan yung savings ko na nakalaan para kay baby sana. May pinapaalaga din kasi akong baboy sa probinsya at obligasyon ko din magbigay ng pangkain nun sa kapatid ko twice a month. At ang ikinalulungkot ko, dun ko siya kinukuha sa savings ko. Nagsabi ako sa mga kapatid ko na hindi na kaya ng powers ko. 3-4 na bigay pa daw ang obligasyon ko para sa baboy na paalaga bago ibenta. Hindi ako makapag open up sa partner ko about sa baboy na paalaga ko na baka kulangin budget ko at nababawasan yung savings ko for baby. Hindi naman siya nakikialam din sa pera ko. Pero ang alam niya may pera nga na nakalaan sa panganganak ko kahit ano mangyari. Sinosolo ko ang obligasyon. Damang-dama ko. I'm getting sad dahil hindi ako sanay na umaasa sa iba. I've been independent since I was 14 years old. Ako nagpaaral sa sarili ko mula 2nd year highschool ako hanggang magCollege. Tapos ngayon. Hirap na hirap ako magpaobligasyon sa iba. Wala lang. I'm getting sad and wala akong mapagsabihan. Sinabihan pala ko ng mga kapatid ko na bakit ako ang gumagastos at nag-iintindi para sa panganganak ko. Bakit daw hindi ang partner ko? Sinabi ko na lang na hati kami sa gastos kahit totoo, pera ko lang talaga lahat yun. Ayoko lang ijudge nila partner ko. Mabait naman kasi partner ko. Maalalahanin. Napapahaba na ito. Putulin ko na mga mamsh. Thank you sa pagbabasa.

13 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same situation din po ako nung una di po kasi ako nagpapagastos nahihiya ako, saka mas malaki sweldo ko kasi yung partner ko that time government employee din sa province kaya mababa talaga at manila rate ako kaya pag nag dedate kami ako talaga gumagastos kahit nahihiya na sya, mas kaya ko kasi pero nung nabuntis na ko this year mas naging open na kami nawalan na din kasi ako work at kinailangan ko sya alagaan dahil sumemplang sya sa motor at nabali buto nya sa braso nya. So nag put up kami business habang nagpapagaling pero babalik na din sya sa work para samin ng Baby namin habang 4months pa lang ako at makapag ipon kami. Dito din ako nakatira sa kanila, mas maganda open kayo sa isa't isa. Naglakas din ako loob magsabi sa kanya na wala na ko savings dahil yun yung ginamit ko sa check ups at prenatal vitamins at kung ano ano pang tests. Maiintindihan nya yan at mas maganda sabihin mo na para alam nya pano maibabudget pera para sainyo pamilya nya pano pag bubukod na kayo baka di pa nya alam pano maging responsible sa pera nyo mag asawa :) pray lang lagi :)

Magbasa pa

Momsh tama lahat ng 3 posts na nauna... and i'm sure makakatanggap ka pa ng mga comments na "wag po ma pride mommy". I donno if pride po matatawag yang ndi mo paghingi ng help kay partner mo, or based sa post mo iniintindi mo sia.. dear, mas kelangan ni baby ng pangunawa mo sa panahon ngaun... Ipag pre-pray ko na sana makalampas ka na sa ganitong stress. Ang hirap na malapit ka na manganak pero mejo mabigat pa itong nararamdaman mo... Sana maka usap mo si partner mo. Be open and honest po. Pray ka din momsh πŸ™. Thank you for sharing your feelings. Alam ko makakagaan yan sa kalooban mo and most important po, sana ang ultimate na makatulong na makapagpagaan ng loob mo ay ang tatay ng little angel on your tummy πŸ€— God bless you dear - future Mom ;)

Magbasa pa

Hi momsh in some way medyo relate ako sayo, independent din ako and same kami ni partner na may work. Although engineer cya mas malaki pa din income ko sa kanya kaya lahat ng expenses ko ngaun sa pagbubuntis eh ako gumagastos from vits to check up and various tests. Ang pagkakaiba lang natin eh cya nag iipon para sa panganganak ko kaya di ko cya inoobliga ngaun. Same din tayo sis na minsan my responsibilidad pa sa province, nagbibigay ako ng allowance para sa mga parents ko. My advice is talk to your partner. Mahirap kasi pag sinolo mo lahat, ganyan din kc ako - as much as I can, sinosolo ko lahat ng expenses pero ngaun iba na kc my baby na dapat shared responsiblity na. I am sure maiintindihan yan ng partner mo.

Magbasa pa

You have a new chapter in your life po kaya there has to be some changes. Try opening up na paunti-unti. Hindi po maganda yung ganong set up especially kapag nandyan na si baby. What if hindi ka nakapag open up ngayon and naubos na yung savings mo? Tapos bigla mong kailangan ng pera para sa gagamitin ni baby, will you just shut up and not say anything? Think about it po. Wag pong palakihin yung problema na hindi naman po sana problema in the first place. 😊 Anyway, same po tayo. 39 weeks na po si baby and July 4 EDD ko. Patience na lang kailangan sa paghihintay kay baby. He's enjoying his remaining time in our womb and is preparing to face the world. 😊

Magbasa pa
VIP Member

Kung responsable po talaga and considerate, kahit alam niyang may savings kayo, hindi niya hahayaang solohin niyo yan lalo may work naman siya. Isa pa, anak niya din yan. Wag kayo matakot na sabihan siya about sa financial problem. Kung diyan palang hindi niyo na masabi, what more sa ibanh problema pa? Matic na mag-asawa na po kayo niyan kasi may baby na kayo so dapat mas open po kayo sa isa't-isa. At yunf pera naman po na ibibigay niya is para din naman po sa baby niya din, hindi naman po para sa personal na pangangailangan niyo lang.

Magbasa pa
VIP Member

alam mo po bilang lalake dapat alam nya responsibilidad nya,una pa lang nong nabuntis ka nya, sya na dapat nasagot ng check up's at vitamins mo. di naman na po kelangan sabihin yon e, kung maliit sweldo hanap ng ibang trabaho na aangkop sa inyo. di naman po pwedeng ikaw lang lahat gagastos, mauubos savings mo. lalo na paglabas ni baby non stop gastos na yan, diaper, gatas, alcohol etc..maganda pa rin talagang mag open ka po sa kanya kasi hanggat dimo sya kinakausap about dyan akala nya okay lang lahat.

Magbasa pa
VIP Member

If i were the guy kahit ayaw mo na tulungan kita sa gastos surprise pa din kita like ung mga gamit ng baby, everyday needs mo, simple things like that e makakatipid ka pa rin. I think my pagkukulang din ung guy porket alam nya na gusto mo ikaw ang gagastos sa lahat payag naman sya. He has to fo his part too, baby din naman nya yan. Kung ikaw nga nakapagplan at makapagsave para sa baby, he can do that too kung talagang nagiisip sya

Magbasa pa

Pagusapan niyo na po ng partner mo. Hindi naman masamang humingi ng tulong paminsan minsan. Hindi mo kailangan solohin ang lahat, dalawa kayong dapat na nagtutulungan. Wag mo ng hayaang maubos pa savings mo bago ka magsabi, mas magandang kayong dalawa yung magiisip ng paraan para sa mga gastusin. Kasama din naman yan sa responsibilidad niya talaga bilang partner sayo at bilang ama ng anak niyo.

Magbasa pa
VIP Member

Maging honest po kayo sa kanya. Hindi po ninyo dapat sinosolo ang problem niyo po. Baka po kasi may pagkadense si partner dahil pinapakita mo na okay ka lang. Kailangan niya malaman ang ngyayari sa 'yo. Sasabihin naman niya kung hindi niya kakayanin ang financial support pero at least emotionally masuportahan ka niya at sabay kayo makapag-isip ng paraan sa hinaharap mong problema sa ngayun.

Magbasa pa
VIP Member

Nakakalungkot nman momy, hindi mo ba kinausap c hubby mo about sa mga gastusin? Pero ramdam din kita momy ako din ung taong ayaw umasa sa iba. Hangat kaya ko go, pero sa sitwasyon ngayon momy hindi mo pweding sarilihin ung mga gastos kse npka raming gastusin sa panganganak at lalo na sa pag labas ni baby. Mas maganda po na iopen mo kay hubby mo ung saloobin mo.

Magbasa pa