37 Replies

VIP Member

Sakin po mommy kabaligtaran hehe. Malakas talaga feeling ko na baby girl siya, laging color pink stuff for baby ang tinitignan ko sa shopee and girl din sa panaginip ko. Then nung nagpa ultz ako nung 22 weeks si baby sabi nung OB sono "mommy parang baby boy" then tinuro sakin ung sa monitor haha naiiyak ako na ang saya lang sa feeling na kahit iba ung lumabas na gender at least healthy si baby❤ then nung nasa 29 weeks nako at nagpa 3d ultrasound ako that time ayun kitang kita na ni OB sono ung pototoy niya hehe. Then switch agad from pink to blue 😅💙

VIP Member

Sakin hindi ko masabi kung malakas ba yung pakiramdam ko o si baby na talaga yung nag paramdam🤣 nung hindi ko pa kasi alam na buntis ako gustong gusto ko yung mga preloved onesies for baby girl na binebenta nung cousin ko hindi ko alam kung bakit pero ang cute cute sa paningin ko,tapos ayun nalaman ko na preggy ako pa reserve ako ng pa reserve ng mga damit na pang girl kahit di ko pa alam yung gender niya and nung nagpa ultrasound ako ayun baby girl siya🤣🤣

Lakas ng pakiramdam ko Girl akin nung una. Dami din nagsabi girl kasi blooming daw di daw nagbago itsura ko etc. Etc. Naga ultz ako,19weeks flat na flat gender dami nagsabi girl yan. So 23weeks bumalik ako para i make sure tawa ko ng tawa kasi Baby boy pala pag lapat ng gadget ni doc kita agad pototoy naka bukaka sya cute parang sinasabi Mommy boy po ako proud ako 😂 di ko inexpect 🤷 pero tuwang tuwa pa din ako first baby ko naman eh 😊

Ganyan din ako sis nung di ko pa alam ang gender sobrang positive ako na boy pati si hubby feeling nya boy din nag iisip na nga kame ng pang baby boy na name..iba kasi yung pag bubuntis ko ngayon unlike dun sa panganay ko na girl kaya akala ko boy na pero baby girl sya hehehe pero ok lang as long as healthy si baby,si hubby pa nag bigay ng name ng baby namen ngayon.pero malay mo naman sis tama ang kutob mo.

Sna nga po.. Kc puro name ng baby boy naiisp q ee hehe.. 🤗🤗

ako akala ko baby girl Kasi sabi nila blooming ako at walang ngbabago sa itsura ko pero pagdating sa ultrasound its a boy.una nadisappoint ako kasi gusto ko girl pero habang tumtagal im happy na rin n boy..now 2 months old na cia very happy kahit nakkapagod ung mgalaga ng baby specially newborn puyatan tlga...goodluck mga momshies...

Me!! Di ko alam kung gustong gusto ko lang talaga ng baby boy pero feel ko talaga baby boy sya. Haha though kinocondition ko na din mind ko na ok lang kahit baby girl (which is ok lang naman talaga), kasi prone to depression ang mommies kapag hindi nasunod yung gender na gusto.

Yeah kht ano boy o girl ok lng nmn tlga as long n healthy c baby at wlang kht ano n komplikasyon..

Hubby ko lakas mag dasal gusto nya first baby namin boy..tapos panget ko pa nung Nag buntis kaya tingin ng Iba boy pag dating ng 6months ultrasound boy nga super happy ng hubby ka.. pero kahit boy or girl basta bigay ni lord tanggap namin mag asawa💞😍

Hehe aq dn mamsh pangit dw aq ngaun kesa nun s pangany q ..

Haha sa akin sis d ko na tlg maunawaan ung iba cnsbi baka nagkamali utz baka dw baby boy.. 3x ako nagpautz once lang nagpakita gender pero d pa sure kea alangan pdin pero binili ko gamit pang baby girl.. surprise nlng paglabas

Sakin momsh akala ko talaga girl. I also have this urge na bumili ng mga baby dresses. Tapos napapaginipan ko pa na girl si baby. Pero nung nalaman na namin gender, boy pala. Pero oks lang naman basta healthy si baby. 😊

we are hoping for a baby girl, lahat ng mkakita sinasabi girl daw, i have high hopes kasi i have boy na kaya sana girl naman. by gods grace 24 weeks nagpakita na sya and its a baby girl 😍

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles