Confuse ?

Hello mga mamsh ? ask ko lang po kung okay ba ang mixfeed? 7mos exclusive breastfeeding po ako kay LO kaso yung byenan ko gusto na syang iformula milk or mixfeed para daw bumilis tumaba baby ko at kapag may lakad di daw mahirap magpadede, Housewife lang naman po ako at bihira lang din kami lumabas. natatakot kasi ako sa sinasabi ng iba na nipple confuse. ano po kaya opinion nyo? nahihirapan ako magdecide ? parang naiintimidate ata byenan ko sa mga ibang baby na as in tabain eh, baby ko kasi sakto lang katawan nya di payat, di sobrang taba at di naman sakitin.

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Your child, your rule mommy. Wag nila compare un baby mo sa iba, iba iba talaga ang baby. Ganyan din dito sa bahay un mga tanders, palibhasa hindi sila or hindi nila alam ano talaga effect ng breastmilk or kase hindi sila nagpabreastfeed noong panahon nila. Pag inuulit ulit nila sakin yan hindi nalang ako kumikibo kesa mabastos ko pa sila. Pasok sa isang tenga, labas sa kabila. Meron pang time na akala nagtitipid ka kaya ayaw bilan ng formula. Kaya dinaan ko nalang sa biro na, sige bilan nyo ng formula basta kayo bibili lagi. Edi natahimik sila. 🀣

Magbasa pa

Pag breastfeed di talaga tabain ang baby pero di ibig sabihin di healthy. Kung housewife k mas better kung exclusive bf lalo na kung kaya naman ng supply mo. Saka mas tipid sa bf. Kung aalis ka naman pwede ka mag stash and mag invest ka lang sa good quality bottle like tomee tipee or como tomo mga 3 pcs oks na yun to avoid nipple confusion kasi close to human breast shape ng teats nung mga bottles na yun.

Magbasa pa

Ay nako sis huwag mong sundin. Mas piliin mo yu g mas magnda para sa bata. Minsan nakakainis lang talaga yung ganyan parang alam pa sayo yung dapat gawin sa anak mo. Haha sorry na medyo na highblood. Mas better parin po kasi kung breastfeeding ang bata kung diman tumataba normal lang yun may ganyang chances talaga lalo na kung medyo malikot pa si baby.

Magbasa pa

Wala naman problem sa sinabi ng mother in law. Kasi baka mahirapan ka nga sanayin siya padedehin sa bottle pag nag 1yr old na siya. Actually ganyan ang gawain ko kahit dito lang kami sa bahay ni baby. Formula milk sya sa morning then pag night time, breastfeed ko na sya. Para atleast masanay na agad sya mag feed sa bottle hindi lang sa breast mo.

Magbasa pa

Sabihin nyo po sa byenan nyo na hindi po basehan ang pagkachubby ni baby para masabing healthy. Push lang momsh sa breastfeeding. Di po ba ang laki nga ng nakasulat sa mga packaging ng formula milk na there's no substitute for breastmilk. Breastmilk ang best for babies, momsh kaya aja! ☺️

much better parin po pag breastfeeding mommy, kz maraming nutrients ang breast milk compared to formula milk. mas hindi sakitin ang baby pag ebf. pag ok naman timbang ni baby di nyo po kailangan mag alala. tandaan nyo po, hindi basehan ang pag taba ng bata para masabing healthy xa.

Since nasa bahay ka lang naman at sabi mo nga eh di naman kayo madalas lumabas eh mag pure breastfeed ka nalang muna . Kaso baka pag umabot ng 1 year eh mahirapan ka ng pigilan syang dumede sayo. Ganyan kapitbahay namin, 3yrs old na baby boy nya now pero nadede padin sa kanya.

Hndi mo need mag formula sis. If gnd nataba ang baby mo baka nasa genes nyi yan. As long as healthy si baby eh ooay na yan. Pwde ka naman mag pump kapag aalis ka, aksayado lng yan sa money kaoag nag fm ka pa. Pero its up to you. Nakakababa ng supply ang pagmimixfeed

VIP Member

If your baby is happy and ok then if I were you, continue exclusive bf po unless if you're a working mom like me na kelangan ko talaga e mixfeed baby ko. Ng ppump lng ako sa office then e trnsfer ko sa bottle kasi may nipple confusion na baby ko

Nako SIS continue mo Lang BF is the best MARAMING BENEFITS mas magiging strong pa relationshp mo ng bby mo bukod sa healthy ,tapos sa bahay kalang pala, wag isipn kung d tataba , d dun nakabase sa laki o liit important is healthy .