Confuse ?

Hello mga mamsh ? ask ko lang po kung okay ba ang mixfeed? 7mos exclusive breastfeeding po ako kay LO kaso yung byenan ko gusto na syang iformula milk or mixfeed para daw bumilis tumaba baby ko at kapag may lakad di daw mahirap magpadede, Housewife lang naman po ako at bihira lang din kami lumabas. natatakot kasi ako sa sinasabi ng iba na nipple confuse. ano po kaya opinion nyo? nahihirapan ako magdecide ? parang naiintimidate ata byenan ko sa mga ibang baby na as in tabain eh, baby ko kasi sakto lang katawan nya di payat, di sobrang taba at di naman sakitin.

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Your child, your rule mommy. Wag nila compare un baby mo sa iba, iba iba talaga ang baby. Ganyan din dito sa bahay un mga tanders, palibhasa hindi sila or hindi nila alam ano talaga effect ng breastmilk or kase hindi sila nagpabreastfeed noong panahon nila. Pag inuulit ulit nila sakin yan hindi nalang ako kumikibo kesa mabastos ko pa sila. Pasok sa isang tenga, labas sa kabila. Meron pang time na akala nagtitipid ka kaya ayaw bilan ng formula. Kaya dinaan ko nalang sa biro na, sige bilan nyo ng formula basta kayo bibili lagi. Edi natahimik sila. 🤣

Magbasa pa