SSS Benefit

Mga mamsh, ask ko lang kung pwede ko bang ireklamo yung employer ko, hindi kasi nya inabonohan yung SSS benefits ko, plus hindi tama ang Monthly Salary income na diniclare nya, imbes na 18k a month ang sahod ko, 12k lang ang nakadeclare kaya mababa lang din yung makukuha kong SSS Benefit. Tapos ngayon, ilang beses ko na silang chinachat regarding my sss benefit puro sila pangako, hanggang sa nagsabi na ko na supposedly aabonohan nila yung benefit na makukuha ko, biglang sabi first week ng March, malaman laman ko mga mamsh, March 2, 2020 pala ang dating ng cheque ko kaya iniinsist na first week ng March bale wala pdin silang iaabono. Naiistress na ko sakanila, nagresign ako ng January 28 kahit March 16 pa ang last day ng maternity leave ko. Valid naman na magresign kahit di pa tapos ang leave diba? Ngayon, iniipit nila ang Cashbond na makukuha ko sakanila and mga papers ko sa botika such as lisence ko and certificates. Pinipilit nila na ibibigay nila lahat ng yon after ng mat leave ko, eh naka 30days na ako since my resignation, i have my right with my certifications diba? ang kinakatakot ko baka biglang puntahan ng FDA ang botika, gamit nila ang lisensya ko at wala na ako don. Lisensya ko ang nakasalalay. Please give me an advice kung san ako pwedeng manghingi ng tulong regarding this. Nakaka 3months palang akong nanganganak and sobrang nakakadepress sa part ko yung ginagawa nila. Thankyou sa magbibigay ng advice mga mamsh! I badly need an advice ☹️

SSS Benefit
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Try mong e discuss sa sss...punta ka ng sss branch..

Magreklamo ka sa dole. Tawagan mo for legal actions.