Same with you sis. Kakapanganak ko lang nitong 11-29-19 Na stressed din ako sa pamilya ko. Nung nawowork ako nangupahan kami ng lip ko sa quiapo since dun work namin. Hanggang sa nabuntis ako . Inisip ko na makakasave kami ng lip ko kung uuwi ako sa bahay ng lola ko. Yun pala hindi. Jusko halos lahat kami na gumastos kesyo ganyan at ganto. Miski ibang anak ng lola ko samen pa nanghihingi. Yung lola ko naman paawa effect. Kesyo masakit yung ganto tas di naman. Binibigay nya lang yung pera sa mga anak nyang may mga pamilya na na hanggang ngayon tinutulungan nya pa. Ang masakit pa neto kapag walang nabibigay sakanya puro sya sumbat kaya nung buntos ako naiiyak nalang ako minsan nakikita pa ng asawa ko. Sinasabi nalang ng asawa ko na wag ako mastressed. Kaya ngayon nakapanganak nako balak namin magbukod. Kasi miski piso wala kaming maipon ng asawa ko. Kaya ikaw sis. Magbukod jkana. Isama mo yung katulong na kinuha mo. Kung talagang may malasakit sayo mama mo dapat mainitindihan ka nya. Buntis ka at dapat dika naststressed. Minsan mas magandang maging selfish tayo kahit sariling pamilya pa natin yun. Iba na kasi panahon ngayon. Minsan PAMILYA pa ang maglulubog sayo insted of helping you
Tinatry ko pero marami akong natitikman na masasakit na salita. Kesyo nakakatiis daw ako, wala akong kwentang anak kapag di ako nakapagbigay. Pero simulat sapul na nagtrabaho ako, ako na naging breadwinner nila dahil iniwan na kami ng tatay ko. Nagsawa din dahil sa ginagawa nila. Ako pa kaya na anak lang at kapatid, at ngayon may sarili na din pamilya. Nakakaawa lang talaga sila, baka san sila mapadpad. Actually may binabayaran akong bahay sa Cavite na pwede ng lipatan at isasama ko pa sila. Pero sana man lang, bigyan nila ng halaga ang magiging anak ko, yun lang naman hiling ko lalo sa nanay ko. Ayoko kasi talaga iasa sa katulong ang pag aalalaga. Pero ang sagot ba naman ng nanay ko, babayaran ko syang 10k. Parang ang akala niya sakin, tumatae ako ng pera. Naawa na lang talaga ako sa kanila. Puro di nagsipagtapos, mas pinili tumambay. Samantalang ako, kahit wala ng nagbibigay sakin baon at pang tuition, pinilit kong makatapos, nagbenta ng kung ano ano. Ngayon maganda trabaho ko at sahod, pero di rin makaipon dahil sa kanila. Sinusubukan kong ilimit pero nakakarinig akong di magagandang salita, puro pangongonsensya.
Ako po si Sender. Pasensya na po naka Anon. Salamat po sa lahat ng payo. Mabuti na lang at may ganitong app, nakakapaglabas ako ng sama ng loob lalo kung ang dahilan ay sarili mong pamilya. Kakausapin ko po ang mama ko. Sasabihin ko sa kanya lahat ng sama ng loob ko. Kung hindi po nia ako maiintidihan, hahanap na lang ulit kami ng lilipatan ng asawa ko. Di ko lang alam kung sasama yung katulong, sa bahay po kasi talaga yun pero ako na pinagbayad nila simula ng lumipat. Wala pa po kami isang buwan dito, pero grabe ang stress at depress ko. Hndi sila naawa sakin pero sa iba kong kapatid na puro walang trabaho, naawa sila. Nakakalungkot talaga. Ako yung anak na, responsibilid pa din ang pamilya kahit may sarili ng pamilya na binubuo. Lagi nilang dahilan ako lang may kakayahan na tumulong. Eh di sana kung nagsikap sila dati na makatapos katulad ng ginawa ko, di sila nahihirapan maghanap ng trabaho ngayon. Nakakasawa na po. 8 years na kong tumutulong sa kanila. Naawa ako sa kanila pero mas naawa ako sa sarili ko at sa magiging pamilya ko.
Kaya ayoko nakikitira. Ako po, student lang kami ng partner ko pero nagsipag kami magwork. At 2nd month of my pregnancy, nakalipat kami agad ng bahay without my family knowing.. 5 mos nako di pa rin nila alam kaya umuuwi ako dito sa condo namin at stress lang dala nila. Puro sumbat at sila mismo pinapalayas ako. Tamad daw kasi.. pero di nila alam na buntis kasi ako. Laya buti na lang nagrent kami kasi pag andito ako, araw araw ako sumisigaw. Tsaka mukhang tinatake advantage ka po. Di porket ikaw maganda trabaho, ganyan ka nila tratuhin. Dapat firm ka po na magkakababy ka na. Bumukod ka na lang. May yaya ka na naman. Matanda ka na po, u know what u should do.
Learn when and how to set limits. Forever aasa sayo mga kapatid mo pag ganyan. Learn when to say no. Sa totoo lang mother mo lang talaga dapat concern mo kasi may mga family na mga kapatid mo. Alis na kayo jan, di ka makakaipon and kawawa naman yung baby mo pag lumabas imbes na makapagplan ka na sa future niya baka makuha pa ng mga pamangkin and pinsan mo. Nakakuha ka na naman ng katulong eh, balik ka nalang sa pagrerent ng own place niyo and abutan mo nalang pag may sobra yung mother mo. Kung tutuusin di mo sila obligasyon esp mga kapatid mo, if itotolerate mo yan mas lalo silang walang mararating sa buhay.
Bakit kaya ganito culture ng mga pinoy. Haaaay. Hndi masama tumulong sa magulang. Pero hndi dapat inoobliga yung mga anak na magbigay. Obligasyon ng magulang na pag aralin mga anak nila. Hindi dapat ginagawang investment ang anak. Nasa anak na yun kung gusto niyang ibalik yung sinasabi nilang "utang na loob" sa magulang. Kami hndi naman kami galing sa mayamang pamilya. Matatanda na rin parents ko pero gusto nila may work pa rin sila o kahit source of income. Ayaw nila na binibigyan namin sila. Lagi nila sinasabi na mag ipon kami. Sana lahat ng magulang ganun din.
Nakakalungkot naman. Momsh tandaan mo may sariling family at may anak ka na. Hindi ko naman sinasabing kalimutan mo yung nanay at mga kapatid mo dahil sa kwento mo nga ikaw pa rin ang nagbabayad sa tinitirhan nila pero sana ipriority mo yung family na binuo mo. May katulong naman pala, enough na yun para may makasama ka. Balik ka na lang sa condo. Atleast dun may peace of mind ka. Mag set ka ng limit. Try mo magmatigas minsan, kung ano sinabi mo yun lang. Kasi mas lalong tatamarin mga kapatid mo at lalong magdedepende sayo. Hayaan mo silang magbanat ng buto.
Parehong pareho tau ng sitwasyon.. Pinagkaiba lng 2 kmi ng ate ko nagbibigay ang kaso lng ate ko lng mabango sa kanya khit nag aabot ako kada bigay ng hubby ko.. Ssbhn nya wla dw naibbgay kc maliit lng maabot ko now.. Dmi gastusin mga lab at gamot pa.. Nakaka Sama lng ng loob kc dti my work ako lahat ng sahod padla sa knla dto.. Pero alm ko nmn d mgnda magtnim ng Sama ng loob Lalo na sa nanay.. Nakaka Sama lng kc tlga ng loob Lalo buntis.. Bahala nlng c lord.. Haist
Ganyan din ako. Grabe ung stress ko mula ng kinasal hanggang nabuntis. Eldest kasi ako at nasanay na parents ko na halos lahat binibigay ko sa kanila. Muntik na ako makunan twice. Nasa abroad kasi asawa ko kaya sa parents ko muna ako nakatira. Pero ako naman lahat gumagastos. As in lahat. So ngayon sabi ni hubby ilalayo na nya ako sa pamilya ko pag balik nya. Baka daw kasi magka post partum depression ako. Mas mabuti pang bumukod kesa forever mo clang pro problemahin.
Hindi mo need mag support sa family mo.. di ko magets mga pilipino eh. Ganyan na gajyan tatay ko.. inaantay kami grumaduate para kaki mag paaral sa mga kapatid namin. Bwiset ako. Grumaduate ka para di mag provide sa kanika kung hindi , you have to build for your future
My gosh. Kala q akala q lng my gnyn sentiments.. 12k in 2weeks simula ng lumipat aq pbalik sa nanay q... Aside from that, binabayaran q p rn apartment q sa qc khit wla nkatira...d man lng naisip n nagtitipid ka dhil manganganak ka.. Kng kaya mu bumalik sa condi, balik kn lng ksma katulong mu.. Aq kc wla mkuha kasama sa bahay kya no choice aq.. Lahat din gastos q.. Smantlng my allowance sila monthly...
Anonymous