Pano kayo maghati mag-asawa sa Monthly Bills?

Pregnant ako ngayon malapit na manganak. May work naman ako and after ko manganak balak ko pa rin magwork. Ayaw ko kasi iasa lahat sa asawa ko and gusto ko may sarili akong pera. Iniisip ko pano kami maghahati ng asawa ko sa monthly bills? Yung asawa ko may binabayaran syang sasakyan. Nakatira kami sa bahay ng Mama nya wala kaming rent na binabayaran. Ang gastos namin Grocery, Kuryente and Tubig tas yung gastos kay Baby. Kailangan ba 50-50 talaga kami? Kasi may pinapaaral din ako na kapatid ko. Thank you

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi naman po kailangan na 50 50 kau.. Pag usapan nyo po, sino mas masinop sa pera sa inyo? Pwede kasi na isa lang sa inyo ang gumastos tapos yung mas masinop sa pera ang magiipon para sa future ninyo nila baby. Pero syempre dapat transparent ang savings nyo.

VIP Member

Kailangan niyo po pag-usapan, di naman po need na hati talaga kayo sa mga bills niyo. Basta alam niyo pareho kung saan napupunta ang pera.