need advice.

Hi mommies. May anak ako and preggy din po ako ngayon. Galing ako sa broken family, daddy ko is nasa heaven na and mommy ko is may sarili nang pamilya in short ulila na po ako... nakatira ako ngayon sa bahay nang asawa ko together with inlaws kasama si hubby.. Sila po lahat gumagastos sa lahat para sa anak ko and wala man lang ako maiambag na pera kase walang wala rin po ako ngayon lalo na preggy at may inaalagaan pa po akong isa. di ko rin naman po maiwanan yung panganay ko kase wala pong mag babantay at mag aasikaso kase nag wowork silang lahat at ako lang naiiwan sa bahay para sa bata. i felt bad kase wala akong magawa para makapag work at para may maiambag naman ako.. dumidiskarte naman ako nang home based job pero maliit na kita lang kumbaga extra income lang.. pero i felt bad parin kase feeling ko wala akong naitutulong na malaki laki pag dating sa pera.. any tips po? or ano ba dapat kong gawin? gusto ko sana mag work kaso yung panganay ko at si baby wala pong mag babantay kundi ako lang talaga.. kung pwede lang po sana hatiin sa dalawa ang katawan ko.? nastuck ako sa magwowork ako pero walang mag aasikaso sa mga bata o stay sa bahay pero walang ma-produce na pera para may pandagdag sa pamumuhay.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy kung kaya naman kayo buhayin ng hubby mo, stay at home FOR NOW. Work can wait. Nafifeel ko din yang walang naitutulong financially pero darating talaga tayo sa ganung point. As long as di naman kayo nasasalat lalo sa pagkain, don't worry. Paglaki laki ng anak mo, pwede ka naman magwork na. Kung gusto mo talaga, hanap ka ng pwedeng iresell online. Ako, last week lang nagstart magresell ng choco butternut loaf. Ngayong week, kumita ako ng 500. Maliit at sinisingit ko lang magdeliver kasi maliit pa anak ko pero ang saya saya na. Try reselling mommy. Kahit papano nakakadestress din

Magbasa pa