Jaundice Baby

Hi, mga Ma! Meron po ba dito na ang mga babies nila ay nagka-jaundice or nanilaw? Yung baby ko kasi, nagsimulang manilaw nung Day 3 niya. Nung Day10 na at hindi pa rin nawawala, sinuggest ng Pedia na i-FM ko daw si baby ng 2 days kaso di ko sinunod. 3weeks na si baby bukas pero madilaw pa rin some parts ng face niya pati eyes niya. Napapaarawan ko naman siya every morning basta meron. Should I be worried na ba or normal lang naman to?

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nanilaw din kasi baby ko nung day3 nya pinacheck up ko sya sabi incompatible dugo namin o+ ako si baby a+ tas pinacheck bilirubin nya sabi paarawan lang daw kaso 20days na sya wala padin nangyayare sobrang dilaw na ng mata nya nun at yung lips nya bagdadark so nagsearch ako at nakita ko na ang pinaka effective way is photo theraphy tas sa mga private hospital lang sya available pinaconfine ko baby ko nun wala naman ibang ituturok sa baby po kundi swero para di sya madehydrate tas iilawan lang sya after 2day okay na baby ko . Ganto sya sis yung nasa pic pwede mo naman sya tabihan

Magbasa pa
Post reply image

Nag ka ganyan din yung baby ko before. Pag check up sa kanya ng pedia nya doon namin nalaman na may jaundice sya. Exclusive breastfed ang baby ko. Tinanong nya ko kung umiinom ba ako ng coffee, sabi ko oo.. So, pina stop nya muna yung pag c'coffee ko kasi isa yun sa dahilan ng paninilaw then nag pa laboratory kami for blood type, nakita don na hinde kami compatible ng blood type ni baby. O+ ako at A+ si baby, kaya pala sya naninilaw.. Suggestion ng pedia nya is pa arawan everyday hanggang sa mawala yung paninilaw. Then ilang weeks lang pag balik namin ng pedia, okay na sya

Magbasa pa

same. nag pacheck up kmi ni baby nung 3weeks na medyo madilaw pa rin. sinuggest lng na paarawan 30mins(hubad tlaga.. and 30mins each side, likod at harap) . every morning.. Kung d p nawawala in 1month kukuhanan n Ng dugo si baby. my ibat ibang klase Po Ng jaundice bka iniisip Ng pedia mo dahil sa breastmilk. pero siya lng yta so far na encounter ko na nag pa formula mostly pinapacontinue lng breastfeeding. I suggest mag iba k Po Ng pedia Kung d k comfortable sa management Niya. ok din Kung mag sasabi ka Po para panatag ka rin Po.

Magbasa pa
4y ago

oo nkadiaper skin.. un lng suot Niya. hehe mahirap n maligo sa ihi.

Hi momsh. Di talaga agad2 mawawala ang jaundice in just a week. Nagkaroon din ng jaundice baby ko nun cause is blood incompatibility ng dugo ko at ni baby. Manilaw din ang mata niya hanggangs sa katawan kaya pinaadmit namin siya for phototherapy dahil mataas ang bilirubin ni baby nun. Nawala ang jaundice ni baby ko by 2 mos. basta momsh paarawan niyo lng po si baby around 6-7am in 20 mins...tiyaga lang po momsh, mawawala rin yan. And also you should follow the doctors advice momsh para rin sa ikabubuti ni baby.

Magbasa pa

mas maganda sinunod mo si doc. 1st baby q jaundice din way back 2013 pina.admit xa ng doctor for 7days kac qng hindi xa nadala sa antibiotic talagang mas malaki ang problma kac maaring mapunta sa meningitis daw yong sa baby q but God is good nman...yong uri ng jaundice meron sa baby q is yong dahilan is hindi compatible yong blood type q sa kanya somewhat nagkaroon ng lason sa dugo niya bcoz of my blood daw sabi ni doc....,

Magbasa pa

Walang mali sa management ng pedia mo she's trying to find the cause kaya nya ni rule out yung breastfeeding jaundice. Yan yung time na ioobserve kasi kung magdecrease yung jaundice nya kung hnd i-breastfeed. Magtiwala po tayo sa pediatrician natin kasi pinagaralan nila yan at sag po natin icompare ang pedia ng isat isa kung pano silanmagmanage. Useless magfollowup if lagi ka may doubt sa treatment nya.

Magbasa pa

mahirap po yan baka tumaas ang bilirubin nya Momsh.. tyagain daw po araw2 paarawan 6 am.hanggang 8 is safe nman. yan din sabi ko ke doc nun- "pinapaarawan ko po pag meron doc kasi makulimlim.minsan" kaso napagalitan ako- tyagain ko raw na everyday ilabas si baby ng maaga para maarawan, 1 week plang si baby nun pero napagalitan ako ni doc kasi naninilaw pa sya

Magbasa pa

Hi, hindi normal ang jaundice aa 3 weeks old. If physiologic jaundice, or yung normal lang na nakikita sa newborn, nawawala ito in 1 week. Follow-up ka na sa Pedia para matingnan si Baby. Mahirap ng patagalin pa ang jaundice niya kasi baka may ibang cause na kelangan ng medication as soon as possible.

Magbasa pa
VIP Member

naninilaw po karamihan tlaga ng baby, bilad s araw tpos padedein lng ng padedein makikita mo po s poop nya at wiwi lalabas ung madilaw, wala naman pong overfeeding s BM kya palatch lng po kau ng pa latch. Pg ndi po nawala ung paninilaw nya pa check up po ulit si baby

4y ago

meron din pong overfeeding, baby ko na overfeed ko kahapon, dami ng suka 😔

Mamsh, yung baby ko nanilaw din pang 5th day nya pina admit sya para i-photo theraphy double light ginamit para mas mabilis mawala yung paninilaw. Sabi kase ni Pedia kapag napabayaan baka umakyat sa utak. Findings pala nun sa case namin breastfeeding jaundice.